Ang Musika Gabi-gabi

176 6 2
                                    

Sa panahon ngayon, wala naman nang tumatagal na kasal sa mga tao.

"Malandi ka! Ang kapal ng mukha mo! Kasal na tayo, lumalandi ka pa rin?" Pulang-pula ang kanyang mukha. Para siyang dragon na nag-aapoy ng salita.

"Pwede ba, Liza? Tantanan mo 'ko. Hindi lang ako ang malandi rito," matapang na sagot ng lalaki na siyang nagpatila sa apoy ni Liza. Parang naging yelo si Liza at di makapaniwala sa sinabi ng lalaki.

"Akala mo hindi ko alam?" Nanginginig na si Liza at kinakabahan na siya sa takot dahil baka nalaman na ng lalaki ang pinakatatago niyang baho.

Nagkatingininan silang dalawa. Ang mata ng lalaki ay kala mo nang hahamok samantalang ang sa babae'y takot na takot.

Napatingin sa akin ang lalaki. Napasinghap ang babae at tuluyang napaiyak.

"Parehas lang tayong nagpakasarap sa iba, Liza."

Palaging nag-iinit ang aking mga gabi sa bahay nito. Papantig ang aking tainga sa oras na kumalabog na nang malakas ang pinto.

"Ahhh!"

Ayan na, nagsisimula na. Mababalisa na ako sa oras na umalingawngaw ang mga ungol. Tutulo ang pawis ko sa aking noo at sabay tataas ang aking balahabo. Sa una'y mahina subalit palakas nang palakas ang mga ungol. At habang ito'y lumalakas, mas lalo akong nag-iinit. Hindi mapigilan ng aking katawan na hindi sumabay sa ritmo ng tinig na pumapalibot sa buong kabahayan. Kusang gagalaw ang aking katawan at sasabay sa indayog. Habang palakas nang palakas ang hiyaw ay pabilis din nang pabilis ang aking paggalaw. Sasabay sa ungol at mababaliw sa kasiyahan hanggang sa magsabog ng paputok na siyang kakalat sa daan. Titigil nang hapong-hapo subalit sarap sa sarap sa inasal. Napapikit at napaisip, kay hirap pasiyahin ang sarili nang mag-isa, sana sa susunod ay may kasama na.

Parehas na napatihimik ang mag-asawa. Napaupo sila sa may sa may sala at napatingin sa kawalan.

"Masaya naman tayo noong una 'di ba?" tanong ng babae.

"Ano ang nangyari?"

Subalit nawala ang ungol ng mga gabi. Napalitan ito nang katahimikan na siyang nagpakabagabag sa akin. Hindi ako mapakali sapagkat hinahanap-hanap ko ang sensasyon gabi-gabi. Kaya, sa unang pagkakataon ay pumasok ako sa salas. Maingat akong naglakad at siniguradong walang ginagawang ingay. Binagtas ko ang daan patungo sa kanilang kwarto kung saan nagmumula ang ungol. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman sinilip ko kung ano ang nangyayari sa loob subalit wala sa inaasahan ko ang nakita ko.

Mag-isa lamang si Liza sa kanilang kama at nakatingin sa kanyang cellphone. Nadismaya ako kaya napadapa ako sa sahig. Ano ang nangyari? Bakit sila natigil sa palagi nilang ginagawa tuwing gabi? Napansin ako ni Liza kaya napatingin ako sa kanya. Malungkot ang kanyang mukha sabay napabuntong-hininga. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tuluyan niya nang binuksan ang pinto at tsaka ako pinapasok sa kanilang kwarto. Naglakad ako papasok samantalang umupo naman siya sa may kama. Parehas tuloy kaming malungkot. Siya sa hindi ko malamang dahilan at ako naman ay dahil sa hindi mararanasan ang kalangitan.

"Hindi ko alam," sagot ng lalaki.

Lumayo nang tingin si Liza. Napa-ismid siya at napa-iling. "Alam mo ang dahilan."

"Ano na naman?" iritadong tanong ng lalaki at napatingin sa kanya.

Ibinalik ni Liza ang tingin na kala mo'y nanghahamok. "Ikaw."

Napangisi ang lalaki sa narinig at napatawa. "Ako na naman?"

Nairita si Liza sa narinig. "Oo, ikaw. At tsaka 'yang alaga mong hindi makontento sa isa."

Second Battle: LustWhere stories live. Discover now