Chapter 3 (susubok ako ulit)

537 13 4
                                    

MEGASHIPPING’S CHRISTMAS PARTY ..

Ric’s POV

“dad, excuse me po.. magpapahangin lang po ako sa labas..”

Tumango lang siya at lumabas na ako.. ayoko naman talaga umattend ng party na to.. puro sila business, business, business.. umupo ako sa tabi ng pool.. I took a picture from my pocket and  a piece of paper..

“hayyy.. kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob na sumubok ulit? Ang hirap ng ganito.. hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko kasi hindi pa ako buo..”

“uy Ric!”

Napatingin ako sa kabilang dako ng pool.. ayan na naman siya.. nakita ko na siya kanina pero hindi ko na siya pinansin.. baka masigawan ko na naman kasi siya ulit.. ang kulit-kulit niya  kasi ii.. ako na nga tong umiiwas.. lapit pa rin siya ng lapit..

Rhian’s POV

“Diane, pwede na kitang isayaw?”

hahaha! Sino pa ba? Ii di si Brandon, mawawala ba sya? Ii anak sya ng isa sa mga may-ari..nakita ko din  kanina si Ric pero hindi rin naman kami nag-usap kasi nawala siya agad.. at dahil nga parang ayaw na lubayan ni Brandon si Diane ay naghanap na ako ng mapaglilibangan.. dala ko ang camera ko ay nagpunta ako dun sa may garden.. sa isang hotel kasi ang venue. Ang ganda ng view..

*Click*

picture-picture lang ako dun! Tapos nung mapadpad ako sa may pool ay nakita ko si Ric, may hawak syang papel tapos isang……picture??

makuhanan nga ng picture to.. hahaha!

*Click*

“uy Ric!”

dali-dali nyang ibinulsa yung hawak nya

“ano yun..?”

o diba? Pakausisira ko din talaga

“wala! Tsaka pakialam mo ba?”

“patingin nga kasi..”

 pilit kong kinukuha sa bulsa nya

“ano ba Rhian? Ang kulit mo aa!”

“ou! Makulit talaga ako.. kaya dali na! patingin lang, sino ba kasi yun?”

Baka naman kasi ex na di niya pa makalimutan.. hmm??

“ano ba?”

“alam mo ikaw! Ang damot mo talaga!”

nakapameywang pa ako nyan!

“ano ba kasing ginagawa mo dito Rhian?”

“ii di nakiki-party! I’m part of the company now noh!..”

“I mean dito sa pool?? kung nakikiparty ka, dun ka sa loob!”

“hmp! Ang sungit mo talaga.. kaya ka siguro iniwan ng ex mo.. kung ako sa’yo puntahan mo na siya.. maikli lang ang buhay, kaya gawin mo na ang mga dapat mong gawin bago pa mahuli ang lahat..”

Waaaaaaa!! Galing ba talaga sakin yun? As in sa sarili kong bibig? Hahaha..

“ehem!ehem!”

waaaaaaa! Si Mr. Veluttini,.

 “Ric, ijo, dumating na ang Tito Jessie mo, halika.. at batiin mo muna..”

Tsaka siya lumingon sa akin

“ija, pwede bang mahiram ko muna si Ric?”

“aa.. opo!”

Simula nung umalis sila kanina ay hindi ko na nakausap ulit si Ric.. iniiwasan niya yata ako.. hmp!!

Ric’s POV

Kanina pa ako nakahiga pero di ako dinadalaw ng antok.. ano ba? Tss..

“kung ako sa’yo puntahan mo na siya.. maikli lang ang buhay, kaya gawin mo na ang mga dapat mong gawin bago pa mahuli ang lahat..”

Ang totoo, hindi ako makatulog dahil naiisip ko yung sinabi ni Rhian kanina.. minsan lang may matinong salita na lumabas sa bibig niya kaya nakakapagpabagabag!

(author : oh ha! Kaya nyo?)

“susubok na ba ako ulit? Paano kung maduwag na naman ako ulit? Hayyy..”

Umupo ako tinakpan ng dalawa kong kamay ang mukha ko para makapag-isip

*FLAHSBACK*

“tao po.. tao po?”

A woman of about 40’s opened the door.. nung makita ko siya ay bigla akong kinabahan..

“sino po sila?”

“aaa.. ano ho…”

Walang lumalabas sa bibig ko.. akala ko ba handa na ako?

“aa.. pwede ho bang makainom ng tubig?”

D*mn Ric! you’ve travelled so far para lang makiinom ng tubig?

*END OF FLASHBACK*

Buo na ang pasya ko.. kailangan kong subukan ulit..

xxxxx hai!! this chapter is kinda short.. sorry!! thank you nga pala sa mga patuloy na nagbabasa nito!! mahal ko po kayo!! xxxx

When Love Takes Over (by chapter updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon