Chpater 1 (meet the Barkada)

981 15 1
                                    

Rhian's POV

“uy bruha! San ka na naman magsususuot? Mamaya nyan mawala ka naman”

“pffft! Kala mo sakin Diane? Grade 1? Walang sense of direction?”

“bahala ka jan! pag ikaw nawala, ewan ko na lang!”

“Parang magpupunta lang ng CR, ang dami mong drama! Tsaka, friend 4 years na ako dito sa school kaya ang Oa mo!!Jan ka na nga!”

Hmmm.. actually, wala naman talaga akong gagawin sa CR.. hahaha! Wala lang, makatakas lang sa lecture ng Prof.. hahaha!! Puro lang naman sya satsat tungkol jan sa OJT namin.. pfft! Ito ang ayaw ko pag-4th yr na, kelangan mag-OJT para maka-graduate.. tsk! Ayoko naman talaga nun!!

 “Hoy Lokaret!” – Sarah

“ayy palaka! Sarah naman! Wag kang nanggugulat!”

“hahaha! Sorry aa.. tulala ka kasi jan sa salamin.. ano? Na-mesmerize ka na naman jan sa kagandahan mo?”

“hahaha! Loko! Sanay na ako sa kagandahan ko kaya di na ako mame-mesmerize pa!hahaha.. bat mo ba kasi ako sinundan?”

“gala tayo!”

“hmmm..”

 lumabas muna ako ng CR at sumilip dun sa may gate, pfffft! Ano pa nga ba? Anjan na naman ang mga bantay ko.. para kasing ewan to si mommy, sa sobrang pagmamahal sakin ay sinakal naman ako sa bantay..

“o ano na?” –sarah

“may idea ako..”

“ayos!”

Sabay na kaming bumalik ni Sarah papunta ng classroom..

“uy Diane!”

Hindi siya lumingon.. naku naman! Siya na nakikinig.. haha!!

“psst!! Diane”

Takte! Di pa din ako pinapansin..

“DIAAAAANNNNNEEE!!”

Napalingon sakin lahat ng mga kaklase ko..pati si Prof. Baltazar may kasama pang dilat ng mata..hahaha!!

“opppsss!!”

Tumingin ako kay sir tsaka ngumiti..

“malakas ba?”

Huminga ng malalim si sir tapos di ako sinagot.. hmp! Sungit! Nagtuloy-tuloy na si sir sa discussion tapos si Diane naman ay tumabi na sakin..

“Bruha ka! Bat kasi kailangan pang sumigaw?”—Daine

“ii kasi naman po.. ang bingi mo! Di mo ako pinapansin..” – Ako

“Ano ba kasing kailangan mo?”—Diane

“may naisip ako.. halika..”

Lumapit siya sakin at binulong ko sa kanya ang plano..

“tsk! Ayan na naman tayo ii..baka mapahamak na naman tayo jan aa..” – Diane

“hindi yan! Ang KJ mo.. sige na..” – Ako

“hay naku! Bahala na nga!” – Diane

“yessss!” – Ako

Ayos to! Hahaha! Bumalik na ulit si Diane sa pakikinig kay sir.. hindi na ako nag-take ng notes kasi alam ko naman na may notes si Diane.. hahaha!!

“okay class.. you are dismissed!”

Uy wait! Paalis na si sir..tumingin ako kay Sarah at kumindat.. it’s showtime!

“sir!”

lumingon sakin si sir at kumunot ang noo..

“yes Ms. Saavedra?”

When Love Takes Over (by chapter updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon