Kabanata 5

281 25 0
                                    

Kabanata 5

KASALUKUYANG KARARATING LANG NI LUNA at Irhia sa magarbo at malaking mansion ng mga Fabregas kung saan ang kaibigan na rin mismo ang kumaon sa kanya sa condo na tinutuluyan nila ni Brix.

Unfortunately, her husband can't be with her. Matapos nila sa isla ay parati itong umaalis at hindi siya isinasama. Anito ay may nilalakad lang na importante. Hindi naman nito dinetalye. She just assumed it's connected with his work.

Ngayon ay nagsisisi na siyang sumama sa kaibigan. Ang daming tao. She's not comfortable. Hindi niya talaga gusto ang mga party katulad nito. Though she's also attending party in US, hindi pa rin niya nagagawang masanay. Pinipilit niya lang ang sarili dahil kailangan din sa trabaho.

She already anticipated this. Hindi lang din makapaniwala na ganito talaga kayaman ang pamilya ng kaibigan. This is her first time visiting her house, and this is beyond her expectations. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit siya kinaibigan ni Irhia.

"Ang daming tao." Sambit niya habang pilit tinatakpan ang hita sa sobrang taas ng slit at hapit na hapit din sa katawan niya.

Kung alam lang niya na ang dadalhin nitong mga dress ay mga daring, sana nag-abala na lang siyang bumili sa mall ng kahit na anong pwedeng maisuot para rito. Hindi niya kayang magsuot ng mga ganitong klaseng long dress. It's very sexy! Bagay na, hindi niya tipo.

Wala naman siyang nagawa kaya isinuot niya rin ang dinalang damit ni Irhia. Isa pa, wala na siyang panahon para magreklamo. At kahit naman ipilit din niya kay Irhia na hindi na lang siya dadalo, magagalit ito. Itinaya na nito mismo ang pagkakaibigan nila kaya alam niyang seryoso talaga ito.

Ang asawa naman niyang si Brix, sa halip na paghigpitan siya sa suot, pinuri pa siya nito. Sabi pa nito na kung sana raw ay may oras ito ngayong gabi, siya raw sana ang escort niya't pinakaswerteng lalaki sa mga taong narito dahil ito ang magiging kapareho niya.

Kaya lang hindi nito pwedeng ipagpaliban ang pinagkakaabalahan. Masyado rin itong busy kapag nakauwi na. Kita niya ay may mga tinatrabaho pa rin ito.

Namataan niya sa isang banda ang mga babae na naggagandahan at sobrang sexy na palagay niya, iyon ay dahil sa kapatid ng kaibigan niya. Mga tipong modelo at artista ang mga iyon. May masasabi talaga sa buhay. They looked very classy and sociable. Ni hindi nga ang mga ito nagdadalawang isip lumapit sa kung sinu-sino.

Samantalang siya, ordinaryo lang. Swerte na lang niya dahil naging isang Madrigal siya kaya bumango naman kahit papaano ang pangalan niya. Pero kung tutuusin ay wala naman siyang pakialam sa yaman o estado niya. Wala rin siyang pakialam kung isa na siyang Madrigal. She's already contented with what she have the moment she was born in this world. Hindi siya 'yong tipo ng tao na ambisyosa, maluho at may pakialam sa status. She's simple and she's proud of that. Kuntento na siya na nasa tabi niya ang pamilya niya't kumpleto pa rin sila. Kuntento na rin siya na may maayos siyang trabaho. Hindi na siya humihingi ng sobra o higit pa. Maswerte pa nga siya kung tutuusin kasi maganda rin naman ang buhay nila.

"Irhia!" Bati ng isang lalaki na biglang lumapit sa kaibigan niya.

"Oh! Gary, long time no see. How are you?" Nagagalak na bating pabalik ni Irhia na mukhang natuwa rin sa lalaki dahil nakipagbeso rin ito roon.

"Good, as usual." Nakangising tugon ng binata sabay lumipat sa kanya ang tingin at pinasadahan siya mula ulo hanggang paa dahilan ng pagtungo niya dahil sa biglang hiyang kumain sa kanya.

Narinig niya ang halakhak ng kaibigan. Bumaling naman siya rito. Umiiling iling ito nang tingnan niya at nakatingin ito kay Gary.

"No, Gary. She's off limits. She's already married!" Natatawang sabi ni Irhia na ikinagulat naman ng lalaki.

As She Dance With The Devil (BS #2)Where stories live. Discover now