Kabanata 22

75 4 1
                                    

Kabanata 22

Agad nagpahinga si Luna matapos ang pagduduwal niya. Sinigurado ni Mrs. Hart ang kalagayan niya bago nito nilisan ang bahay niya dahil nanghina talaga siya matapos magduduwal sa banyo. Isama pa ang sobrang pagkahilo.

Hindi niya alam kung tuluyan na ngang lumipat ang mga ito, hindi na rin niya namalayan ang oras. Masyado siyang napasarap sa pagtulog. Tuloy ay hindi siya nakapagpasalamat at nakapamaalam nang maayos.

Past six nang magising siya, medyo madilim na rin ang kalangitan nang silipin niya ang bintana sa kwarto. Kumakalam na rin ang sikmura niya, hudyat na nagugutom na siya. Kaya naman nagpasya siyang bumaba para makapaghanda ng makakain, kahit na tamad na tamad siyang bumangon.

Nakakapagtaka lamang dahil ang gusto na naman niyang kainin ay lemon icecream. Hindi bale, marami siyang stocks nito. Pero hindi niya hahayaang maubos na naman niya ang isang pint. Kailangan niya ring kontrolin ang sarili kahit na hindi naman siya ganito dati.

Chineck niya ang cellphone matapos maihanda ang ingredients. May mensahe roon kaya minabuti niyang iyon muna ang pagtuonan ng pansin.

I will go home late. Eat your dinner well.

I am so sorry, Luna.

Mga mensahe iyon galing kay Brix. Hindi niya lang alam kung para saan ang pangalawa nitong mensahe pero may kakaiba roon.

Para sa kanya, simula nang magduda siya rito, hindi na naalis sa kanya na posibleng niloloko na naman siya nito. Ayaw niyang isipin pero hindi niya mapigilan.

Pinili niyang hindi magreply. Disappointed na naman sa asawa, pati na rin sa sarili.

Luna decided to bother herself and cook. She was craving steak, so even though it was a bit of laborious to prepare, she told herself she will patiently endure the process. Kumpleto naman ang ingredients sa bahay dahil noong isang araw ay mag-isa siyang nag-grocery.

And if she were to simply order and wait, which was more convenient for her, she'd still end up feeling bored. She was also certain that various thoughts would enter her mind as she waited for her order, leading to feelings of sadness and hurt. Kaya naman minabuti niyang maging abala na lamang.

She meticulously selected the cut of meat, marinated it with her secret blend of spices, and let it sit for hours to absorb the flavors.

Habang naghihintay, nagligpit muna siya ng mga kitchen tools and utensils na nagamit para konti na lang ang huhugasan niya pagkatapos kumain. Matapos iyon, nagpasya siyang magpahangin muna sa labas.

Maliwanag ang kalangitan nang lumabas siya. Maraming bituin at ang buwan ay bilog na bilog at sobrang liwanag.

Itinali niya nang maayos ang roba at niyakap ang sarili, nakatingin pa rin sa kalangitan.

She genuinely smiled at the moon. Naalala niya ang pangalan niya na roon kinuha dahil gano'n ang description ng magulang sa buwan nang ipanganak siya.

Naupo siya sa rocking chair at dinama ang mabining ihip ng hangin. Kusa namang napadpad ang mga mata niya sa katabing bahay. Bukas ang ilaw noon kaya palagay niya ay naroon na ang bagong may ari ng bahay.

Mula sa kinauupuan ay kita ang balkonahe na palagay niya ay nandoon ang pinakamalaking kwarto. Nakaharap iyon sa bahay nila kaya aninag niya kahit papaano ang bulto kahit malayo iyon. Medyo madilim nga lang at mahihirapan siya na makilala kung sinoman iyon. Pero kung umaga naman at maliwanag, tiyak ay aninag niya iyon. Hindi rin naman malabo ang mga mata niya.

At nakumpirma niyang tuluyan na ngang nilisan ng mag-ina ang bahay na iyon dahil biglang lumabas ang lalaki roon at nakatitig sa kanya?

Hindi niya sigurado kaya naman ilang minuto rin niyang tinitigan iyon at pilit inaninag.

As She Dance With The Devil (BS #2)Where stories live. Discover now