Kabanata XXXIV: "Ang Kasal"

71.4K 126 8
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Ang Kasal

II. Kaisipan/Paliwanag: Ang kasal ni Juanito at Paulita ay dinaluhan ng mga taong tulad ng Heneral.

III. Tagpuan: Sa bahay ni Kapitan Tiyago
Tauhan: Basilio - ang kasama ni Simoun sa paghihiganti.

IV. Buod: Ika-8 ng gabi at na sa daan si Bailio. Sa bahay ni Kapitan Tiyago gaganapin ang piging ng kasal ni Paulita at Juanito. Maraming bisita ang dumalo sa kasal ng dalawa. Naging magara tingnan ang bahay dahil puro pamuti at bulaklak ang makikita sa bahay. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay.

V. Pahiwatig: Sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba'y kahit na mangutang.

VI. Aral: Ang pagkakaroon ng magarang kasal ay hindi nagpapakita na maganda ang magiging buhay ng mga ikakasal. Mali ang paghahanda ng magara pagkatapos ay mangungutang lamang.

VII. Reaksyon: Ang kasal ay magarbo ngunit dito naman sisimulan ang paghihiganti at paghihimagsik.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil naipapakita dito ang kahalagahan ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao.

IX. Rekomendasyon? Ipinapakita ang pagiging matapang ni Basilio at pagharap sa kanyang mga suliranin na dapat nyang malagpasan.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon