Kabanata XXXII: "Ang Bunga ng mga Paskil"

77.2K 153 23
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Ang Bunga ng mga Paskil

II. Kaisipan/Paliwanag: Ang mga estudyante ay hindi muna pinag-aral dahil sa mga nangyari.

III. Tauhan: Pelaez - isang mag-aaral
Basilio - ang nakabilanggo
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales

IV. Buod: Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani'y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon. Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo'y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba'y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita. Lahat ay naghintay sa kasal ng dalawa dahil si Simoun daw ang mamamahala.

V. Pahiwatig: Si Paulita'y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga "pangarap" ng binata.

VI. Aral: ang pagkakaroon ng mabuting puso ay hindi masama hanggat itoy hindi nakakasama sa iba.

VII. Reaksyon: Ang plano sa paghihiganti ni Simoun ay nagiging matagumpay.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil ipinapakita ang katangian ng mga Pilipino na impluwensya ng Kastila

IX. Rekomendasyon? Ang nobele ni Rizal ay nagtuturo ng iba't ibang aral para sa mambabasa.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon