Kabanata XXIX: "Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago"

71.7K 137 5
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago

II. Kaisipan/Paliwanag: Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Padre Irene.

III. Tagpuan: Sa libing ni Kapitan Tiyago
Tauhan: Padre Irene - ang namahala sa libing
Kapitan Tiyago - ang inilibing
Quiroga - isang mangangalakal na intsik

IV. Buod: Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Ipinalibing sya at ang tagapamahala dito ay si Padre Irene. Ang mga taong pumunta sa burol ay pinag-usapan ang damit na suot ni Kapitan Tiyago. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit. Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.

V. Pahiwatig: Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga mananampalataya.

VI. Aral: Masama ang maging makasarili.

VII. Reaksyon: Mali ang ginawa ni Padre Irene na tipirin ang pagpapalibing upang huwag lamang mabawasan ang kanyang parte.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil naipapakita dito ang katangian ng mga Pilipino sa impluwensya ng mga Kastila.

IX. Rekomendasyon? Ang mga kasamaan ng mga Kastila ang madalas na makikita sa nobela.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectWhere stories live. Discover now