Kabanata XXXIII: "Ang Huling Matuwid"

81.5K 155 5
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Ang Huling Matuwid

II. Kaisipan/Paliwanag: Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling kaapihan.

III. Tagpuan: Sa silid ni Simoun
Tauhan: Simoun - ang maghihiganti
Basilio - ang binatang sumali sa paghihiganti

IV. Buod: Dumating si Basilio sa silid ni Simoun upang sabihin na siya ay pumapayag na sumali sa paghihiganti ni Simoun. Ipinaliwanag nya ang kanyang plano. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito'y mangungulimlim at kapag ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.

V. Pahiwatig: Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito'y labag sa alituntunin ng kagandahang-asal.

VI. Aral: Ang magalit sa kapwa ay hindi mabuti dahil nagdudulot ito ng kasawian at ng paghihiganti.

VII. Reaksyon: Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga maruruning at mayayaman. Ito'y pinatutunayan ng kasaysayan.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil naipapakita dito ako pag-asa na matatamo kung hindi susuko sa isang hamon ng buhay.

IX. Rekomendasyon? Ang nobela ay nagsasaad ng emosyon ng may-akda at ang kanyang pagmamahal sa bayan.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectWhere stories live. Discover now