Kabanata XIV: "Sa Bahay ng mga Mag-aaral"

127K 188 17
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Sa Bahay ng mga Mag-aaral

II. Kaisipan/Paliwanag: Ang bahay na tinitirhan ni Macaraig at iba pang binata ay Malaki at maluwag. Pinaplano nila ang kanilang pakay.

III. Tagpuan: Bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig
      Tauhan:
Macaraig - mayamang mag-aaral ng abogasya
Isagani - isang makata
Sandoval - ang  kawaning Kastila na sang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Pecson - isa sa mga pangunahing estudyante
Pelaez - isang mag- aaral

IV. Buod: Nagpunta ang mga pangunahing estudyante sa bahay na tinitirhan ni Macaraig upang pag-usapan ang kanilnag pakay tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Mayroon magandang balita si Macaraig na si Padre Irene ay nagtatanggol sakanila laba sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Pinaplano nila ang pagsali sakanilang panig ni Don Custodio, G. Pasta at si Pepay, isang mananayaw na kaibigan ni Don Custodio.

V. Pahiwatig: Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa mga Pilipino.

VI. Aral: Dapat tularan ang mga Pilipinong tulad ni Sandoval na kahit may dugong Kastila ay may malasakit sa ating bayan.

VII. Reaksyon: Magandang halimbawa sina Sandoval at Macaraig sa kabataan.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil ang pagpapakita ng pagiging matapang at tapat na Pilipino sa kanyang bansa ay masasaksihan dito

IX. Rekomendasyon? Ipinakita ang pagiging tapat sa bayan ng mga mag-aaral.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon