[Flashback 10] - Sign

153 12 0
                                    

Best played with Nina's I can't make you love me.

Its on the right screen guys! :) 

Please support! :< Thanks. 

==========================================================

[FLASHBACK 10]

Sign


Hindi ko sila tinignan. At wala akong balak tignan sila. Lalo na si Gabriel. 

Napakapit na lang ako ng mahigpit sa sarili kong kamao. 

"Han." hinawakan ako ni Rose sa balikat.

"Ano ba yan, Ram! Ang ingay mo! Kelangang ipagsigawan?! Hindi namin kelangan malaman! Tss!" Angie

"Oh! Eh-"

"Tama na yan, pre. Mukhang may binisita yang si Angie. Yaan mo na." pag-awat ni Kristian.


Medyo napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Angie. Alam kong sinabi nya yun para sa akin. Salamat, Angie. At medyo nakapagpagaan ng loon ko. Hindi mo man alam kung anong gustong ipagsigawaan ko dito, pero nagawa mo para sa akin.

Ano pa nga bang magagawa ko? Andyan na yan. Nangyari na ang nangyari. May magagawa pa ba ako? 

Iisa lang naman ang ibig sabihin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Tama na.

Wag si Gabriel ang mahalin mo.

Oo. Tama na. 

Ngiti ka na, Hanna. 

Wag kang malungkot. 

Ngumiti ka na. 

Masakit man sa akin na marinig ang balitang iyon, pero hindi ako nagpaapekto. Nakinig ako ng mabuti, nag-aral at nag-pokus ng araw na iyon. Kung hinayaan kong madistract ako ng dahil lang sa narinig ko ay nahirapan akong ibalik ang pokus ko. 

*Dismissal*    

Uwian na. Nagpaalam ako kila Angie at Rose. Sabi ko pupunta lang ako sa library at mag-aaral ako dun. Gusto sana nila akong samahan pero sinabi kong di na kailangan. Alam kong nag-aalala sila sa akin. At nalulungkot sila para sa akin. Nagpasalamat na lang ako sa concern na pinapakita nila.       

Palabas na ako ng room nang hinabol pa ako ni Gelo.      

"Han! Saan ka pupunta?"  

"Sa library, Gelo. Mag-aaral ako."  

"Ikaw lang mag-isa?"   

"Oo."  

"Ah, sige. Ingat ka pauwi mamaya."  

"Ikaw din. Ba-bye."  

"Bye."                

Dumiretso na ako agad sa library. Mag-aaral ako buong maghapon dito. Sa Monday kasi ay exam na ulit namin. Mas maganda ng prepared ako ng maaga. At para na rin malibang ako.     

Bago ako magsimulang magreview ay nagbukas muna ako ng account ko sa facebook. Walang namang bago. Wala ring special notifications. Gusto ko na sanang mag-logout pero dinadala ako ng mga kamay ko sa keyboard para itype ang pangalan ni Gabriel.        

3 STEPS TO HEAVEN [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon