[Flashback 2] - Stranger

215 12 0
                                    

[FLASHBACK 2]

Stranger

Noong gabing yun ay sinulat ko sa aking Diary ang unforgettable moment ko kay Gabriel. Habang sinusulat ko yun ay masayang-masaya ako. Yung pakiramdam na tumatalon ang puso ko sa saya. Pero kung tutuusin ay nagsisimula pa lang naman. Paano pa kaya kung kinausap na nya ako? Paano pa kaya kung magkaroon ng chansa na makasama ko sya buong araw? Doble dobleng saya yun.

Hay.

Di ko talaga akalain na mangyayari ang lahat ng ito sa isang araw lang.

Kung naghagdan kaya ako nun, makakasabay ko pa kaya sya?

Kung hindi ko kaya hinanap ang libro na L918,

Magkakatitigan kaya kaming dalawa?

Magiging malapit kaya ang distansya namin sa isa't-isa?

"Good night, Papa God."

*At School*

Pumasok na ako ng room. Pagkaupong-pagkaupo ko ay may tumawag sa akin.

"Mariaaaaaaaaa! Good Morning." kinuha ni Gelo ang upuan sa harap at umupo sa harap ko. Nakangisi pa ito sa akin.

"Morning." sabi ko.

"Heehee." nakangisi pa din sya.

Ang weird talaga ng unggoy na ito. This past few days eh kinukulit na ako. Although, dati pa naman sya ganito sa akin. Pero ngayon ang kakaiba.

"Ano oras ka ba umuwi kagabi ha?" tanong nya.

"Ha? A-ano. Mga 8 ata? Bakit?"

 

"Pinuntahan kita sa dorm mo. Yayayain sana kita magdinner." 

"Ah. Ganun ba. Nasa library kasi ako."

3 STEPS TO HEAVEN [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon