[Flashback 7] - Sensitivity

136 11 0
                                    

[FLASHBACK 7]

Sensitivity



Mabilis na lumipas ang dalawang araw. 

Pagkatapos ng huling gabing nakasama ko si Gelo ay hindi naman nagbago ang pakikitungo nya sa akin. Sa classroom ay kinukulit pa rin naman nya ako. Hindi na rin nawala sa kanya ang pagtawag sa akin ng Maria. Sumasabay din sya sa amin maglunch. Ikinagulat nga nila Angie at Rose dahil ngayon lang ulit napasabay yun sa amin. Pero welcome naman sya, anytime nya gusto.

"Hanna, may susuotin ka na ba para sa Acquaintance night?" -Angie

"Wala pa eh. Kayo?"

"Wala din." -Rose

Oo nga pala. Malapit na ang party. Sa Friday na yun. 2 days away from this day.

"Eh kung magshopping na lang kaya tayo? Tutal, maaga naman uwian natin." -Angie

"Oo nga noh. Ano, Hanna? Tara?" -Rose

"Sige."

Maaga nga ang dismissal namin mamaya. Kung hindi ako nagkakamali ay bandang 4pm. 

After lunch ay bumalik na kami sa room. 

"Teka, kausapin ko lang si insan." -Angie

Lumapit si Angie kay Gab na nakaupo malapit sa bintana kausap ang tropa nya.

"Gab!"

Yun lang ang narinig ko kay Angie. Kaya kung ano man ang pinagusapan nila ng pinsan nya ay hindi ko na alam. May narinig na lang ako nung lumakas ang boses.

"May lakad nga kami mamaya, Angie. Hindi kayo kakasya sa kotse." -Mikee, isa sa mga tropa din ni Gab.

"Oo na!" 

"Asus! Tampururot agad." -Ram

"He! Tumigil ka, Ramon."

Binalikan kami ulit ni Angie. Sinabi nya sa amin na makikisuyo daw sana sya kay Gab na kung pwede ay ihatid kami sa mall mamaya. Pero hindi pwede dahil may lakad daw ang tropa nila. 

Ok na yun. Buti na lang talaga at may lakad sila. Dahil ayokong sumakay sa kotse ni Gab. Itong sa Angie kasi eh. Nako. Salamat na lang talaga.

"Mariaaaaaaaaaaaaaa!" kilala ko na yun.

Umupo si Gelo sa harapan ko.

"May lakad ka ba mamaya?" tanong nya.

"Meron kami, Angelo. Bakit?" -Rose

"Oh, saan punta?"

"Sa mall, Gelo. May bibilhin lang." sagot ko.

"Talaga? Pwede ba ako sumama?" 

Hindi ako nakasagot. Nagtinginan kaming tatlo nila Angie at Rose. 

"Aha! Pwede! Tamang-tama. Ikaw magdadala ng mga pinamili namin." -Angie

Tumawa sila ni Rose. Pati tuloy ako ay napatawa din. Loka loka talaga.

"Ok lang! Basta kasama ko si Hanna. Haha!"

"Ayieeeee!" -Rose

Hala?

"Ikaw, Angelo ah!" -Angie

"Oh bakit? Matagal na kaming di nakapasyal ni Hanna sa mall. Diba?"

"Ha? Ah. Oo" tumawa ako ng marahan. Gelo talaga. Sabagay tama sya. Nung bata nga kami ay pinapasyal kami ng mga magulang namin sa mall tapos isasakay kami sa carousel. 

3 STEPS TO HEAVEN [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon