[Flashback 5] - Present

163 12 3
                                    

[FLASHBACK 5]

Present

Katatapos lang ng ballet lessons ni Kim. Pauwi na kami ngayon. Nahirapan pa akong yakagin pauwi ang bata na to. Paano ba naman kasi kanina ay panay kwentuhan nila ni Ali. Parang wala ng bukas. 

Habang nagddrive ako pauwi ay nanatili lang akong tahimik. Panay daldal nga ni Kim. At ako naman puro sagot lang ay "ah ok" o di kaya nama'y wala akong kibo. Napapansin ko ngang naiinis na sa akin ang kapatid ko. Minabuti na lang nyang tumahimik na rin.

"Bakit di mo ako kinakausap, ate?" 

Hindi muna ako sumagot.

"Haays. Galit ka ba sa akin? Sorry na. Next time, di na ako makikipagkwentuhan ng matagal kay Ali." 


Sa sinabi ng kapatid ko ay parang nakonsensya ako. Akala nya'y galit ako sa kanya dahil sa pakikipagkwentuhan kay Ali. 

"Hindi, Kim. May iniisip lang si ate, ok?"


Nagsasabi ako ng totoo. May iniisip naman talaga ako at yun ay ang nangyari kanina. Masakit sa akin ang mabalewala. Pero naisip ko din, 

Sino ba ako para pansinin ni Gabriel?

Hindi naman kami close na dalawa, bakit umaasa akong batiin man lang nya o ngitian?

Tama diba? At isa pa, hindi nya ako kilala.

Hindi man nya ako kilala sa pangalan, pero sana at least kilala nya ako sa mukha. Yung kunware makakasalubong nya ako at masasabi nyang "Teka, classmate ko to ah." Kahit yun lang, ok na sa akin. 

Pagdating namin sa bahay ay nandito na sila mama at papa. Nakaupo silang dalawa sa living room at mukhang may pinaguusapan.

"Hi Ma, Pa." bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi. 

"Oh, hinintay mo ba si Kim matapos sa practice nya?" tanong ni papa.

"Opo." 

"Osha, tara na. Mananghalian na tayo. Ate Cel! Nakahain na ba?"

"Opo, ma'am!"

 

Natutuwa ako't kumpleto kami ngayon. Namiss ko talaga silang kasabay kumain. Dahil nga sa nagdodorm ako ay madalas ako lang mag-isa kumain o di kaya nama'y kasama si Gelo.

3 STEPS TO HEAVEN [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon