[Flashback 3] - Childhood

235 9 0
                                    

[FLASHBACK 3]

Childhood

Sobrang nalungkot ako nung oras na yun. Masakit para sa akin na marinig na hindi ako kilala ng taong gusto ko. Ibig sabihin lang ay walang "Hanna" na nag-eexist sa mundo nya. Sa madaling salita, ako ay isang istranghero. 

Matapos kong marinig ang sinabi ni Gabriel ay saka naman lumitaw sa harapan ko si Gelo.

"Uy, Hanna." medyo gulat pa siya nung nakita ako.

"Kanina ka pa ba dyan?"

"H-hindi, Gelo. Ano. Hinahanap kita." 

"Ah. Sensya na ah, may pinagusapan lang kami ng tropa." 

Tumawa ako ng marahan. Pero sa loob loob ko ay nalulungkot talaga ako.

"Tara, uwi na tayo." yaya ko.

"Ayoko nga!" 

"H-ha?"

"De. Joke lang. Tara na nga, Maria ko." inakbayan ako ni Gelo. 

Bakit may "ko?" Ayt. Adik talaga.

Marahil nagtataka kayo kung bakit wala akong reaksyon tuwing inaakbayan ako ni Gelo. 

Komportable at sanay na kasi ako sa kanya. Kaso nga lang dahil sa pagiging komportable ko, ay napagkamalan tuloy kaming "couple". Sa amin, wala lang yun. Hindi namin pinapansin kung ano ang iniisip ng ibang tao basta alam namin sa isa't isa na magkaibigan kaming dalawa.

Kung ako nga lang tatanungin, yung akbay na ganun? Masasabi kong akbay magtropa. Yung tipong "tropang kakulitan lang", kung tutuusin nga eh dapat sa beywang nakaakap ang kamay diba kung couple kami. Pero never ginawa ni Gelo yun.

Kasi nga kung ano nakikita ng mga mata, ganun na. Not unless, kung linawin mong harap-harapan sa kanila. Ah basta, mabuting magkaibigan kami ni Gelo simula nung kami ay musmos pa. 

"Woooooh! Salamat at nakauwi na tayo." excited much sya. Sabagay ako din naman.

"Oo nga eh."

Kababa lang namin sa tapat ng aming village. Bale, maglalakad pa kami papasok. 

Mahaba-habang lakad ito. 

"Hmm. Ano nga ba ang usually na ginagawa natin tuwing nadating tayo dito?" tanong nya.

Napaisip naman ako. Hmm. Ano nga ba? 

Aha! Gets ko kung ano tinutukoy nya.

"Tambay sa park!" sagot ko.

"Tama! Pero may kulang."

Hmm.

"Bibili ng korean ice cream!" 

"Tumpak! Haha!" napatawa si Gelo. Dahil dun ay natawa rin ako.

Kaya bago umuwi ay dumaan muna kami sa korean store, dito rin sa loob ng village namin.

Ang binili namin ay Binggrae Pop Top. Naging paborito namin ito simula nung may tinayong korean store dito. At halos tuwing weekend ay bibili kami bago umuwi. 

*Park*

Umupo kami ni Gelo sa isang bench na nakapwesto sa ilalim ng Flame tree. Ito ang tambayan naming dalawa simula pagkabata. 

"Gelo." inabot ko sa kanya ang Binggrae Pop Top ko na banana flavor para buksan nya. Alam nyang mahina ang grip ko kaya noon pa man kapag may inabot na ako sa kanya, matic na pinapabukas ko.

3 STEPS TO HEAVEN [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon