Their Childhood

10.4K 184 10
                                    

Dedicated sa inyo! Uuuuy.... Dati dalawa lang sila... Ngayown....hehehe!.. Thanks!


Dollar's POV

"Aray!" At sabay hampas ko sa binti na kinagatan ng lamok. "Moi, matagal pa ba 'yan?" 

"Magbilang ka ng isang libong baboy, saktong tapos ko na din 'to." Sigaw niya mula sa pagkakatalungko habang inaayos ang motorsiklo niya.

 "Ayoko nga! Malilikot kaya sila, hirap bilangin!" reklamo ko, nagsisimula ng mainip.

Hay! Kainis! Ngayon pa nasira ang motorbike ni Moi. Nakakapagod magperya at antok na antok na 'ko. Pero dahil nasa matarik kaming daan kung saan ang gilid ay bangin at ang kabilang gilid naman ay kakahuyan, madalang ang mga sasakyan, at malalim na ang gabi, wala akong magagawa kundi mangalumbaba, umupo sa patay na puno, magpakagat sa mga lamok at manampalataya sa kakayanan ni Moi na ayusin ang sirang motorsiklo.

"Magpasundo na lang kaya tayo kay Zilv?" suggestion ko.

"No."

"Bakit naman?"

Nag-angat ng ulo si Moi. "May importanteng ginagawa si Zilv. Wag na nating abalahin."

"Weh? Importante? Baka may date?" Hindi malabo 'yon, sobrang gwapo ng mga kaibigan ko.

Bahagyang tumawa si Moi. "Alam mong hindi tayo ipagpapalit ni Zilv sa mga babae niya."      

"Malay mo seryoso na siya?" Pero duda ako kung may sineseryoso nga ba si Tatay Zilv.

"Who? Si Zilv? Never! Fling lang ang mga babae sa kanya. Para namang hindi mo kilala ang taong 'yon."

Yeah. Tama si Moi. Hindi si Zilv ang tipong nagseseryoso. Pero wala naman akong pakialam sa mga escapade ni Zilv at Moi. Ang mga ganoong bagay ay hindi namin madalas na pinag-uusapang tatlo. Tinanong ko lang 'yon ngayon para may pag-usapan kami ni Moi. Masyado kasing malamig at tahimik dito.

"Eh ikaw? Ano sa 'yo ang mga babae?" tanong ko kay Moi.

"They're pretty flowers, na kailangang bigyan ng pantay na atensyon para lalong lumago at gumanda." Then he grinned.

"And you're the playful bee?"

"No. I'm the gorgeous playful bee."

"Hmp! Yabang mo. Magkapareho lang kayo ni Zilv. Mabaet ka sa lahat ng mga babae pero hindi mo naman sila kahit kailan seseryosohin. Si Zilv naman hindi gentleman, pero hindi naman siya nag-iiwan ng mga luhaang babae." Base iyon sa observation ko at sa tsismis.

"Dahil alam ng mga babaeng 'yon ang score bago sila makipagrelasyon kay Zilv. While me, I have this rule that my girl and I are happy while it lasts, no sweet promises, hindi nga lang nila matanggap 'yon minsan sa huli. Pero mas matino ako kesa kay Zilv."

"Asus. Pareho lang 'yon. Hindi ba kayo natatakot sa karma? Paano kung dahil sa pagiging playboy ninyo ay ang balikan ng mga kalokohan ninyo ay ang mga taong mahalaga sa inyo?"

"Ikaw, kunwari?"

"Oo." Proud kong sagot, alam ko namang mahalaga 'ko at mahal ako ng mga kaibigan ko. Para na kaming magkakapatid, marami na din kaming pinagsamahan.

"Hindi rin. Hindi ka naman masyadong importante sa 'kin," and he chuckled.

"Kainis ka! Kapag ako, hindi nakapag-asawa, humanda ka sa 'kin."

"Tsk, tsk, tsk. Walang karma, Dukesa, at kung kakarmahin man ang isang tao, sa kanya mismo babalik 'yon hindi sa iba. At bakit ba nag-aalala ka agad sa mga pag-aasawa-asawang 'yan? Ang bata mo pa, you're only sixteen, for crying out loud! Nagta-tantrums ka pa nga eh!"

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon