CHAPTER 12- DM

4.6K 191 9
                                    

CHAPTER 12- DM

"AFRICA! Sandali!" Napatigil ako sa paglabas ng resort nang tawagin ako ni Miggy. Nakasuot ako ng shdaes at malaking hat. Iyong pang-sosyal talaga.

Paalis na kami ng umagang iyon. Bitbit lahat ni Danaya ang mga gamit namin at papunta na kami sa parking lot dahil naroon ang kotse ko.

Ayaw ko sana siyang harapin pero mabilis siyang humarang sa unahan namin. Naiinis na tinanggal ko ang shades ko para makita niya ang nanlilisik kong mga mata. "Ano ba?!" bulyaw ko sa kanya.

"Paalis na ba kayo?"

"Malamang hindi pa. Nakikita mo naman na dala na namin ang gamit namin, 'di ba? Ang akala ko manloloko ka lang, tanga ka rin pala, Miggy!"

"Mars, ang hard mo naman..."

"Wala kang pakialam, Danaya! Lets go!" At hinila ko na si Danaya papunta sa kotse ko. Wala na akong pakialam kung makaladkad ko man siya basta gusto ko nang makalayo sa lalaking iyon.

"Afirca! May sasabihin ako sa'yo!" Panay pa rin ang sigaw niya. "Ako si-"

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni Miggy dahil pumasok na ako sa kotse ko. In-start ko na iyon at mabilis na pinaandar. Mabilis na mabilis dahil baka habulin pa ako ng mokong na iyon. Kaimbyerna na siya, seryoso lang. Ano pa bang gusto niya sa akin? Bakit kailangan pa niayng guluhin ang buhay ko? Dapat talaga hindi na ako nagpa-reunion, e. Ito tuloy ang napala ko.

"Dahan-dahan na, mars! Ang layo na natin kay Miggy. Kahit mag bullet train pa siya, hindi na niya tayo maaabutan. Kaloka!"

"Nakakainis na kasi ang Miggy na iyon! Sunod nang sunod! Siguro, balak na naman nila akong paglaruan ni Korea. Well, good luck na lang sa kanila dahil hindi na nila iyon magagawa sa akin!"

"Ewan ko ba sa'yo, mars. Ang nega mo na naman. Malay mo naman, gusto lang niya talagang mag-sorry sa'yo. Saka ang tagal na naman no'n, e. Bakit ba hindi mo pa sila mapatawad ni Korea. Tandaan mo, mawawala lang 'yang bigat sa dibdib mo kung aalisin mo ang galit diyan."

"No, Danaya! Kaya nga ako naging nega dahil sa kanila. Bakit ko sila papatawarin? Habangbuhay silang makonsensiya! Leche sila!"

-----***-----

KAKAPASOK ko pa lang sa office room ko nang may kumatok agad sa pinto. Pinapasok ko iyon nang malaman ko na si Macey. May dala siyang iba't ibang flowers na naka-arrange ng maganda. Napansin ko din na may dala siyang box. Hula niya ay chocolates iyon.

Napalunok ako habang papalapit si Macey. Alam ko kasi na para sa akin iyon at si DM na naman ang nagbigay. I can't help but to smile dahil sa kilig. Kahit hindi ko pa man siya nakikita ay alam ko na super sweet siyang tao dahil sa mga efforts niya. At mukhang mayaman din siya, ha. Ikaw ba naman ang magpadala ng flowers araw-araw.

Medyo naiinip ako sa paglapit ni Macey kaya naman ako na ang lumapit sa kanya. "Thank you, Macey! Akin na 'yang-" Nagulat ako nang iiwas niya sa akin ang flowers at chocolate.

"Hep! Hep!" aniya.

"Macey, give me those! Akin 'yan!"

"Naku si ma'am... Akala mo ay siya lang ang binibigyan ng flowers at chocolates. Akin po ito, bigay ng boyfriend ko."

Kung maputi lang siguro ako ay baka obvious na obvious na ang pamumula ng mukha ko. "Are you sure?"

"Yes, Ma'am Africa. 'Eto po ang card, oh..." Pinakita pa niya sa akin ang maliit na card na nasa box ng chocolate at doon ko napatunayan na nagsasabi siya ng totoo.

"Okay. Eh, bakit ka ba nandito at dala mo pa iyang flowers at chocolates mo?" Nakasimangot na tanong ko.

"Si ma'am, disappointed! Ibibigay ko lang po itong schedule niyo for this week..." Inabot niya sa akin ang planner ko at umalis na rin siya.

Umupo na ako at tiningnan ang schedule ko pero hindi ako makapag-concentrate doon. Pilit na pumapasok sa isip ko si DM at kung bakit hindi siya nagpadala ng flowers sa akin today. Baka naman naubusan na ng pera o kaya may sakit. O kaya... nakalimutan niya! No! Hindi niya pwedeng kalimutan na padalhan ako ng flowers. Sinimulan niya ito kaya dapat lang na maging consistent siya sa effort niya.

Teka... Nasaan na ba iyong number niya?

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na nasa notes ko ang number niya na nakuha ko sa delivery man. Di-nial ko iyon at nang pipindutin ko na ang call button ay bigla akong natigilan.

Tama bang tawagan ko siya?

Ah, bahala na nga!

Pipindutin ko na ang call nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Danaya. Humahangos na lumapit siya sa akin. "Mars!!!" sigaw pa niya. Sa paraan ng pagkakasigaw niya ay talagang kinabahan ako.

"What? Anong nangyari? Sinong namatay?!"

"Anong namatay ka diyan? Nega ka na nga, OA pa! Walang namatay." Hinawkan niya ako sa kamay at hinila. "Halika sa labas! Bilisan mo!"

Curious ako kung bakit parang excited na hindi mapatae si Danaya kaya naman sumama na lang ako sa kanya sa labas. Paglabas ko ay napanganga ako nang makita ko na puro petals ng white and red roses ang kalye. Iyon pala ay may helicopter na nagpapaulan ng petals.

"Oh my, God! Sino ang nagkakalat na iyon?!" bulyaw ko.

Kinurot ako ni Danaya sa tagiliran. "Mars, si DM!" anito sabay bigay ng isang card.

Binasa ko ang nakasulat sa card...

Africa,
I love you...
DM

Bumilis ang tibok ng puso ko sa maikling mensahe na iyon. Napatingala na lang ako habang pinagmamasdan ang paglaglag ng mga petals. Parang unti-unting nawawala sa puso ko ang galit na naroon. Pati na ang kanegahan ko ay parang naglalaho na rin.

-----***-----

THAT night, pagkauwi ko ng bahay ay hindi na ako nagdalawang-isip na tawagan ang number ni DM. Ilang ring lang at agad na may sumagot sa kabilang linya. Hinintay ko na magsalita ang may-ari ng number pero parang wala siyang balak na magsalita hangga't hindi ako nauuna. Kaya wala kong choice kundi ang magsalita na. "Hello?" turan ko.

"Africa..." sagot ng boses sa kabilang linya. Lalaking-lalaki!

Napahawak ako sa dibdib ko dahil naging abnormal na naman ang tibok niyon.

"DM? Ikaw ba si DM?"

"Yes. Ako nga... Paano mo nalaman ang number ko?"

"Ha? Ah... eh..." My God! Ngayon lang ulit ako nabulol dahil sa isang lalaki. Nangyari lang ito noon kay Miggy.

Okay. Miggy na naman. Nice!

TO BE CONTINUED...

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now