CHAPTER 04- Pangarap Ka Na Lang Ba?

7.5K 213 19
                                    

CHAPTER 04- Pangarap Ka Na Lang Ba?

“SA tingin mo ba, mars, magugustuhan din ako ni Miggy?” tanong ko kay Danaya habang naglalakad na kami pabalik sa classroom namin.

“Hmm… Siguro kung ang type ni Miggy ay mga exotic girl na katulad mo.”

“Sana na-a-attract siya sa mga tulad kong negra, 'no? Maganda naman ako kahit maitim ako, 'di ba?”

“Ah, eh… Matalino ka naman, mars. Keri na iyon!”

“Sabagay. Basta ako, very positive lang ako para maka-attract ako ng positive vibes! Malay mo, si Miggy na ang maging first boyfriend ko at kung suswertihin siya na rin ang mapapangasawa ko!”

“Sige lang, mangarap ka lang. Lumipad ka nang mataas para kapag bumagsak ka, wasak ka talaga!”

Mahina kong hinampas sa braso si Danaya. “Hay naku, ang nega mo naman, mars!”

“Oo, ako nega. Ikaw negra!”

Tinawanan ko lang siya. “Tama na nga iyan. Pumasok na tayo sa room at mukhang naroon na si ma’am!”

Nagmamadali kaming pumasok sa classroom. Sakto dahil mukhang mag-uumpisa na ang klase namin. Mabuti na lang talaga at umabot kaming dalawa ni Danaya. Umupo na kami sa seat namin at inilabas ko ang notebook ko sa English.

“Okay. Bago tayo mag-start ng klase, magpapakilala muna sa inyo ang bago niyong kaklase na si Miggy Daniel Pascual. Mr. Pascual, stand up at magpakilala ka,” ani Ma’am Perez—teacher namin sa English at adviser na rin.

Bigla akong nataranta nang marinig ko ang pangalan ng bago naming classmate. Umikot ng 360 degrees ang mga mata ko para hanapin kung nasaan ang Miggy na sinasabi ni Ma’am Perez. Hanggang sa may tumayo na lalaki at nagpunta sa unahan. OMG! Si Miggy my love nga! Siya nga! Wala nang iba!

Habang nasa unahan siya at nagpapakilala ay nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko na nga naririnig ang mga sinasabi niya dahil sa mukha lang niya ako naka-focus.

“Hoy! Africa!” untag sa akin ni Danaya.

Doon lang ako tila nagising mula sa mahabang pagkakahimbing.

“Sana ay marami akong maging kaibigan dito…” Iyon lang ang naintindihan ko sa mga sinabi ni Miggy. Hanggang sa paglalakad niya pabalik sa kanyang upuan ay nakatingin ako sa kanya.

“Oo nga pala, Mr. Pascual," tawag dito ni Ma’am Perez. “Sa susunod, kapag may klase na ay huwag ka nang kung saan-saan pumupunta. Nagsumbong sa akin ang first subject teacher niyo, wala ka daw dito kanina.”

“Sorry po, ma’am. May nangyari po kasi kanina kaya hindi ako naka-attend ng first subject.”

“Okay. 'Wag nang mauulit.”

“Yes po, ma’am.”

Nangalumbaba ako habang nakatingin pa rin kay Miggy. Grabe, ang bait naman niya. Hindi siya nagalit kahit na napagalitan siya ng teacher namin.

Mukhang mag-e-enjoy ako sa last year ko sa high school, ah. Paano ba naman ay kaklase ko pa ang aking inspiration. Haaay…

-----***-----

“GOOD BYE, Ma’am!” sabay-sabay naming sabi ng mga kaklase ko.

Yes! Uwian na.

Hinanap agad ng mata ko si Miggy at nakita ko na palabas na siya.

“Mars, tara na!” sabi ko kay Danaya.

“Wait lang. Nakikita mo naman na nagre-retouch pa ako ng make-up ko. Nakaka-haggard kaya ang mga subjects natin! Ayokong umuwi na haggard. Look at you, mars, ang haggard mo na.”

Si Africa, Ang Negang NegraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon