CHAPTER 08- Ang Muling Paghaharap

5K 219 30
                                    

CHAPTER 08- Ang Muling Paghaharap

PRESENT TIME...

HINDI ko maiwasan ang hindi mapaluha nang maalala ko na naman ang part na iyon ng past ko. Paano ay nagka-away kami ng bestfriend ko dati dahil kay Miggy. Feeling ko nga ay mas pinanigan ko ang kakakilala ko lang na si Miggy kesa kay Danaya na simula pagkabata ay kasama ko na. Oh, well... Part na lang naman iyon ng past ko at ang mabuti ay okay na kami ngayon ni Danaya.

-----***-----

AFTER one week ay naayos na ni Danaya ang lahat para sa class reunion namin. Hanggang sa sumapit na ang gabing iyon. Talagang pinaghandaan ko ang lahat. Nagpaganda ako, pina-rebond ang buhok ko ng bongga dahil baka biglang bumalik ito sa pagka-afro kapag nakita ko ang mga taong nanakit sa akin noon. Nagsuot din ako ng magandang gown. Ipinatahi ko pa talaga ito at ako mismo ang nag-design.

Siniguro ko na magandang-maganda ako kahit negra nang umalis ako sa bahay...

Pagdating ko sa hotel ay marami na ang naroon. Agad akong sinalubong ni Danaya na balak pa yatang talunin nag gown ko. Pero hindi siya umubra sa akin. Mas pak na pak pa rin ang gown ko.

Pa-sexy at pang supermodel akong naglakad papunta sa mini stage. Doon ay nagsalita ako para i-welcome ang lahat. Nakita ko sa mga mata nila ang paghanga sa akin. Hindi siguro sila makapaniwala na ang dating Africa na tinatawag nilang negra ay nag-transform inot sophisticated, beautiful and successful woman!

Hindi naka-attend ang adviser namin. Namatay na raw ito six years ago. Nakakalungkot naman...

Matapos kong magsalita ay pinuntahan ko ang lahat ng kaklase ko noon sa mga table nila. Pero may hinahanap ako-si Miggy.

Nasaan na ba siya? Bakit hindi ko pa siya makita? A-attend kaya siya? Baka hindi. Baka hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siyang makita ako after ng ginawa niya sa akin. Nagkatuluyan kaya sila ni Korea? Baka mag-asawa na nga sila ngayon, e. Grrr!!! Bakit bigla akong nainis nang maisip ko na sila ang nagkatuluyan? Ah, hindi ito pwede. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa kanilang dalawa. Sila ang dapat na maging apektado sa akin dahil sila ang may hindi magandang ginawa sa akin.

Siguro, kung mag-asawa na sina Miggy at Korea ngayon, malamang losyang na si Korea. At si Miggy naman, malaki na siguro ang tiyan at mukhang matanda na! Kaya siguro sila nahihiyang magpakita sa akin dahil doon. Mga chaka na sila! Hahaha!

"Africa!" Napapitlag ako nang kalabitin ako ni Danaya.

"Ay, kabayo! Ano ba! Nakakagulat ka naman. Nawawala ako sa poise!"

"'Andiyan na ang hinihintay mo..."

"What?"

"Si Miggy at Korea... nandiyan na sila."

Iginala ko ang mata ko. "Where?"

Hindi na kailangang sagutin ni Danaya ang tanong ko dahil nakita ko na silang dalawa. Naka-hawak si Korea sa braso ni Miggy at nakahilig pa ang ulo nito sa balikat ng lalaki.

At mukhang nagkamali ako sa hula ko.

Maganda pa rin si Korea at hindi mukhang losyang! Ang ganda-ganda ng suot niyang gown at mas malaki ang dede niya sa akin.

Si Miguel naman... Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Sampung taon na ang nakakalipas pero mas lalo siyang gumwapo. Hindi na siya mukhang totoy. Lalaking-lalaki na siya! Lumaki din ang katawan niya at lalaong tumangkad. Oh my, God! Naramdaman ko na naman ang pakiramdam ko nang una ko siyang makita. Mahal ko pa rin siya-Ah! Hindi na. Hindi ito pwede. Galit ako sa kanya at kay Korea. Niloko nila ako!

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now