CHAPTER 09- Coffee Shop

5.1K 192 15
                                    

CHAPTER 09- Coffee Shop

"ANG akala yata ng Miggy na iyon ay tatanga-tanga pa rin ako at maniniwala ako sa sinabi niyang mahal niya ako! Kung noon, Danaya! Kung noon!" Durog-durog na ang pizza sa plate ko dahil sa sobrang gigil ko ay na-murder ko na iyon sa pamamagitan ng tinidor at knife.

Nasa bahay ako ni Danaya. Madalas ay dito ako tumatambay kapag wala naman akong trabahong dapat gawin. Tulad ngayon, Sunday naman. Imbes na kumain kami sa labas ay tumambay na lang kami sa house niya after naming magpunta sa church. Nagpa-deliver ng pizza at nagkwentuhan na lang about sa nangyari sa reunion.

Kumuha si Danaya ng isang slice ng pizza. "Baka naman sabi mo lang iyan, ha. Baka naman deep inside you still love him!" aniya sabay kagat sa pizza.

"Bunganga mo, Danaya! Hindi mo pa yata ako kilala. Alam mo naman ang ginawa sa akin ng Miggy na iyon at ng Korea na 'yon! Naku! Ang Korea na 'yon pa, humihingi ng sorry sa akin. Mukhang sincere naman ang gaga pero anong akala niya sa akin? Tanga? Hindi ko sila papatawrin habangbuhay para habangbuhay din silang makonsensiya!"

"Okay. Okay. Negative vibes all over here na!" maarteng turan niya. 'Pero sa tingin mo sila pa rin?"

"Anong sila pa rin?"

"Kung magjowa pa rin ba sina Miggy at Korea..."

"Ang sabi sa akin ni Miggy, friends lang daw sila. Pero hindi ako naniniwala. Baka may binabalak na naman sila sa akin. Siguro, uulitin na naman nila ang ginawa nila sa akin noong high school tayo. No! Hindi na ako makakapayag na gawin nila ulit sa akin iyon!" gigil na turan ko.

"Ang nega mo talaga, mars! Dito ka pa naghasik sa bahay ko. Gusto mo bang lumabas na lang tayo?"

"Baka naman malasin tayo kapag lumabas tayo. Dito na lang. Ubusin na lang natin itong pizza."

"Parang ayoko ng pizza, mars. Mag-coffee na lang tayo, please... Treat ko!"

Nag-isip ako. Pumayag ako sa suggestion ni Danaya. Parang bigla akong natakam sa kape.

-----***-----

ISANG bagong bukas na coffee shop ang nakita namin ni Danaya habang nagda-drive kami papunta sa isang mall. Mas pinili namin na i-try na doon na lang magkape dahil kokonti ang tao. Siguro ay dahil bago pa lang. Konti pa lang ang nakaka-discover. Ang pangalan ng coffee shop ay "Gyrea". Hindi ko alam ang ibig sabihin niyon at wala akong balak pang alamin. Mas gusto kong magkape kesa alamin ang history ng pangalan ng coffee shop na ito!

"Mars, ang ganda ng place na ito... Konti ang tao, tahimik at mukhang masarap ang food nila, ha," untag sa akin ni Danaya habang pinagmamasdan ko ang paligid. Inaantay na namin ang orders namin.

Tama naman ang sinabi niya pero dahil nega ako, iba ang lumabas sa bibig ko. "Parang mga cheap materials ang ginamit nila dito. Pero, i-try natin nag coffee and food nila." Kinuha ko ang phone ko at nag-selfie. In-upload ko iyon sa Instagram account ko at nilagyan ng caption kung nasaan ako-sa Gyrea Coffee Shop.

"Parang ang tagal naman ng order natin!" reklamo ko.

"Gan'yan talaga kapag sosyal ang place, matagal ang or-Ow! Look who's here..."

Napansin ko na parang may tinitingnan si Danaya sa likuran ko kaya medyo natigilan siya. Napalingon tuloy ako nang wala sa oras dahildoon at ganoon na lang ang pagsimangot ko nang makita ko si Miggy. Ang bango-bango niyang tingnan at ang aliwalas ng mukha niya dahil sa smile niya. Pero hindi na ako naaapektuhan ng isang Miggy Daniel Pascual! Never.

"Hi! 'Andito pala kayo-"

"Danaya, lets go!" Tumayo na agad ako sabay kuha ng hand bag ko na nakapatong sa table.

Si Africa, Ang Negang NegraWhere stories live. Discover now