CHAPTER 19: It Comes With A Price

1.7K 129 44
                                    

CHAPTER 19: It Comes With A Price

Point of View: Claudea Mason

Umaga na naman. Inaasahan ko na magiging isang ordinaryong araw ang lilipas ngayon. Hindi man naging ordinaryo ang mga araw na nagdaan, kailangan pa din naming umakto ng normal.

"Ma, alis na ako," pagpapaalam ko sa mom ko na tulog pa. "Ma! Papasok na ko ng school! Gumising ka na! Tanghali na! Pasalamat ka buntis ka!" mahina lang ang sigaw ko kasi baka magising nga talaga siya. Baka batohin niya ako ng kahit na anong gamit na mahawakan niya pag naistorbo ko ang pagtulog niya. Ang totoo eh maaga pa naman talaga. Trip ko lang sigawan siya. Hehe

Umalis na ako ng bahay, antok na antok pa ako ngunit kailangan ko ding pumasok ng maaga. Ngayon kasi ang School Fest. Hindi ko kasabay si Biddie na pumasok ngayon, nauna na kasi siyang umalis ng bahay kanina. Sana mabuti na ang pakiramdam niya matapos ang lahat ng nangyari. Kawawa naman Biddie ko. ;(

Nang makarating na ako ng School, tumigil muna ako sa may gate.

"Sana walang kababalaghang mangyari ngayon Panginoon," pagdadasal ko bago ako pumasok ng gate. "Ayoko po makakita ng kahit na anong bagay o pangyayari na may kinalaman sa magic nagyon, ilayo mo po kami sa kapahamakan. Sana layuan na kami ng masama. Amen," at naglakad na ako papasok ng school. Ngunit pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nakasabay ko na sa gate si Alastair at Dylan.

"Ay impakto!" gular kong sigaw nang makita ko si Alastair. "Lord naman eh, kakadasal ko lang eh," bulong ko. Tiningnan naman ako ni Alastair ng masama kaya ibinaling ko ang tingin ko kay Dylan kasabay ng pagturo ng daliri ko sa kanya. "S-siya tinutukoy kong impakto..hehe!" nag-pout naman si Dylan at sumimangot. Sa totoo lang medyo takot din ako kay Alastair matapos kong makita ang mga kaya niyang gawin.

"Babe naman!" pagpapacute ni Dylan. "Tara sabay-sabay na tayo sa paglalakad. I miss you!" hinawakan niya yung kamay ko. Iiiih, parang nakiliti ako sa sinabi ni Dylan. Iniipit ko yung buhok ko sa likod ng tenga ko tsaka ako ngumiti. Shocks! Ang landi ko!

"Fck, mga pabebe," narinig kong bulong ni Alastair tsaka na siya naglakad palayo. Sinundan lang namin siya.

Napatigil kami sa may quadrangle nang makita namin doon si Biddie na nakatuntong sa hagdan at nagsasabit ng mga flags. Kinabahan ako nang makita siyang tumihaya upang abutin yung tali na pagsasabitan niya. "Biddie, be careful!" sigaw ko dahil alam kong clumsy siya.

Napalingon muna siya bago madulas yung paa niya, "Waaaa!" sigaw niya, I closed my eyes dahil ayoko siyang makitang mahulog.

Ngunit wala akong narinig na kalabog na senyales na bumagsak na siya sa lupa. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nakita kong buhat-buhat na siya ni Alastair. Sinalo siya ni Alastair. Iiiiihh, kinilig naman ako. Iniligtas niya si Biddie ko.

"Wag kasing tatanga-tanga," said Alastair to Biddie. "And, you're welcome." Ibinaba niya na si Biddie na nakasimangot sa kanya.

"Hoy! DYD call my Biddie a tanga!" sigaw ko. Don't you dare ibig sabihin nun..hehe! "Tsaka hindi pa siya nag thank you, nagsabi ka na agad ng you're welcome, ikaw ang tanga!" itinuro ko ang daliri ko sa pagmumukha niya.

"Babe, ibaba mo nga daliri mo. Turo ka nang turo baka manuno ka," pag-aawat naman ni Dylan sakin.

"Clau, bigla ka na lang kasing sumisigaw kaya nagulat ako," saad ni Biddie. Waaa! This cannot be! Ipinagtatanggol niya na si Alastair laban sa akin. I'm gonna cry. ;( "Alas--" tatawagin sana ni Biddie si Alastair ngunit umiwas ito, bigla na lamang niyang tinalikuran si Biddie.

Dead Man's Secret ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon