CHAPTER 18: The Deadman's Secret

1.9K 136 59
                                    

CHAPTER 18: The Deadman's Secret

POINT OF VIEW: Aragon Lucas

Matapos ang lahat ng nangyari, nahirapan na akong harapin si Biddie. Madami siyang katanungan na hindi ko kayang sagutin. And I needed guidance, so I travelled far just to see them...Aunt Snow and Uncle Fang.

"That's it!" sigaw ko kasabay ng pagturo sa isang isla na nakikita ko mula dito sa himpapawid. I contacted Fangless, na siyang ginamit kong way para makarating dito sa islang ito. Natatawag ko lang siya sa gabi, kung kelan walang makakakita sa kanya sa city. It's the reason kung bakit isolated din ang bahay ko sa lugar namin, para maitago ko sa mga tao si Fangless pag kinailangan ko siya.

There were torches lighting up the whole island. Mula dito sa itaas ay nakikita ko din ang tinatawag nilang Red Runner. Ang ship ni tito Fang. Nakasama ko din sila ng mahabang panahon kaya alam ko ang tungkol sa buhay nila, alam kong isa siyang kilalang kapitan ng mga pirata.

After a minute of checking the area, Fangless circled around the island and then landed on the ground. "Stay here," saad ko matapos akong makababa. Hindi pa ako nakakahakbang ay narinig ko na ang isang boses na paparating mula sa aking likuran.

"Ahoy, me hearties" said the voice, the same as saying 'hello my friends'. Fangless roared in respond to the voice. Lumingon ako at ngumiti upang batiin siya.

"Fang," pagbati ko sa kanya. Mas gusto niyang tinatawag ko siya sa kanyang pangalan. Isa siya sa mga pinakamabuting taong nakilala ko. I wanted to be like him.

"How long it has been huh? 5 years?" nakangiti niyang saad habang papalapit sa amin. "I was on my ship nang mapansin kong may bumaba sa lupa. It's good to see ye mate," pagtukoy niya sa akin. Lumapit din siya kay Fangless at hinaplos ito sa pakpak, "You too buddy."

"Hindi ka pa din nagbabago simula nung huli kitang nakita. You still look good Sir," muli kong saad. Tumawa lang siya tsaka niya ako tinapik sa balikat at sinenyasan niya ako na sundan sya. Mula sa pampang ay matatanaw din ang isang malaking bahay na kung hindi ako nagkakamali ay ang siyang tahanan nila.

"Where's your gang?" tanong ko habang naglalakad kami. Siya ang nag-train din sa akin sa pakikipaglaban, kasama ang kanyang mga tauhan.

"My crew?" he corrected. "Nasa ibang isla sila ngayon, I needed time with my family so I decided to stop sailing for the mean time mate.  Kailangan ko muna ngayong magfocus sa pamilya ko."

"Family? You mean may anak na kayo ni Tita Snow?" nagagalak kong tanong.

"Aye, He's turning four this year," maiksi ngunit masaya naman niyang sagot. Ilang saglit pa ay narating na namin ang bahay nila na mukha ding isang malaking ship. It was the coolest house I've ever seen. "Please come in". Binuksan niya ang pintuan at isang batang lalaki ang kumaripas ng takbo upang salubungin si Fang.

"Daddy! Come look, I found my ship!" cute na mungkahi ng bata kasabay ng pagturo sa isang laruan. Nakabihis kagalang-galang na pirata din siya. Natawa ako dahil mukhang magmamana pa siya sa kanyang ama.

"Kaizer, magpalit ka na ng damit anak, playtime's over" lumabas mula sa isang silid si tita Snow, nagulat siya ng makita niya ako. "Oh my God, Aragon you're here!" mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "What brings you here sweetie?"

"Ako na magbibihis kay Kai," hinagkan ni Fang si Tita tsaka niya na kami iniwang dalawa sa kanilang sala. "Magusap na kayo ni Aragon." Tumango naman bilang sagot si tita Snow kay Fang.

"May problema ba? How's Bridget? How are you?" ang una niyang tanong sa akin habang hinihimas ang aking mga kamay. "Nothing bad happened to her right?" nagaalala niyang tanong.

Dead Man's Secret ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon