CHAPTER 16: Confession

2.2K 155 74
                                    

CHAPTER 16: Confession


POINT OF VIEW: BRIDGET MAXRIDE


"...Truth or Lie?" dagdag niya.


Was he telling the truth? I was confused. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Hindi ko mabasa ang iniiisip niya, pero sumagot pa din ako kahit na hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.


"Lie!" I answered. Ngumisi siya tsaka siya lumapit sa akin. Hinaplos niya ang buhok tsaka niya niya inamoy ito. Ramdam ko ang mainit niyang hininga malapit sa aking pisngi. "D-don't play with me. Please don't mess up with my feelings," bulong ko sa kanya.


"And if I tell you I like you..." bulong din niya sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang kanyang hininga pababa sa aking leeg. "...would you believe me?" dagdag niya. Napasinghap ako ng dumampi ang kanyang mamasa-masang labi sa aking leeg. Hinawakan ko ang balikat niya para itulak siya ngunit naunahan niya ako. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko, mahigpit ang pagkakahawak niya itong hinila papunta sa kanyang likuran na siyang dahilan ng pagkakayakap ko sa kanya at paglalapit ng aming mga katawan.


"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nararamdaman ko para sayo," he confessed. He wrapped his right arm around my shoulder, his left hand held the back of my head, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko.


I was speechless and confused at the same time. Hindi ko alam kung tutugon din ako ng halik. Hindi ko pa sigurado kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Masyado namang mabilis kung nagkakagusto na din ako sa kanya. One second I was afraid of him, and now I feel safe with him. Nagkakagusto na ba ako sa kanya?


"I love you," he whispered on my lips, and then he put sweet kisses on my cheeks. Napalalim ang aking paghinga, bumilis ang tibok ng puso ko. 'I love you', the word got stuck in my head. Sinubukan kong ibuka ang aking mga labi upang sagutin siya ngunit muli siyang nagsalita.


"Pero hindi tayo nararapat para sa isa't-isa," naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses. Lumayo siya sa akin tsaka siya tumalikod. "Kung pwede lang gamitin ko sa akin ang kakayahan kong mangbura ng memorya upang makalimutan ang nararamdaman ko para sayo, upang kalimutan kung ano ako," yumuko siya kasabay ng paggulo sa kanyang buhok.


"B-bakit hindi?" I was surprised with my question. Bakit ko ba nabitawan ang tanong na ito. Para namang ang ibig sabihin ay gusto kong maging kami. Napayuko nalang ako at napahawak sa labi kong hinalikan niya.


"Dahil masyado akong gwapo para sa iyo, ehe," pilyo niyang sagot kahit na ramdam ko pa din ang lungkot sa kanyang boses. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim, muli akong napagingin sa kanya. Napahawak siya sa kanyang buhok. "Dahil tama ka, isa akong reaper. Hindi kita pwedeng mahalin."


"Then why are you doing this? Bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin? B-bakit ka pa nagtapat ng nararamdaman mo?" napakagat ako sa aking labi. Bakit ba parang nasasaktan ako. Wala siyang pinagkaiba sa mga magulang ko, sasabihing mahal ako pero hindi din naman pala ako kayang ipaglaban.


Lumingon siya sa akin. He looked directly into my eyes. "Dahil hindi ko na kayang itago pa," seryoso niyang sagot. "At para kung sakali mang may maramdaman ka din para sa akin, ngayon palang ay mapigilan mo na."

Dead Man's Secret ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon