Chapter Twenty Two

1.2M 15.2K 2.2K
                                    

Hanggang ngayon I couldn't stop crying habang pinupunasan ko si Tristan. Naaawa ako sa mahal ko. Puro pasa ang katawan at mukha niya dahil sa suntok ni daddy. Nakahiga siya sa kama at pinupunasan ko ng basang bimpo ang mukha at katawan niya.

Tandaan mo ito, Miranda. Darating ang araw na gagapang ka pabalik sa amin. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang sinabi ni dad before he threw us out of the mansion. I know nasaktan ko din si dad. I understand why he's mad at us. Masakit din para sa akin itong mga nangyayari. It will be worth it in the end. I know it will.

Napasubsob na lang ako sa dibdib ni Tristan at napaiyak. Gumalaw siya and I heard him moan. Lumayo agad ako at pinunasan ang luha ko. Tristan opened his eyes.

"Mahal ko." Tawag niya sa akin. I cupped his face and kissed him on the forehead.

"How are you feeling?" I asked.

"Ok na. Kiniss mo na ako eh." Nakangiting sabi niya. Napangiti na rin ako. His fine now. Nambobola na kasi ulit.

"May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Dito masakit." He pointed at his chest. "Kiss mo din para mawala ang sakit."

I giggled. "You're so naughty."

"Seryoso! Ang sakit talaga. Mamamatay na yata ako eh. Kiss mo na dali!" Hinawakan pa niya ang chest niya. I rolled my eyes, I decided to play along and kiss his chest.

"Yan! Better?" Tanong ko.

"Dito pa pala... Saka dito." Tinuro niya naman ang belly niya at ang crotch niya.

Pinalo ko siya ng mahina sa dibdib. Gosh, nabugbog na nga't lahat ganun pa din ka pervert.

"Aray! Masakit na talaga iyon, mahal ko." Sabi niya habang hinihimas.

"Ikaw naman kasi. Puro ka kalokohan." Tumabi ako sa kanya. He wrapped his arm around me and pulled me close to his body.

"Hindi ka ba nagsisisi na pinili mo ako?" Seryosong tanong niya.

"Never. Maybe... maybe someday matatanggap din nila tayo. Basta I will never leave you. Kung nasaan ka, nandoon din ako." My eyes met his.

His eyes were watery but he had a smile on his face. "Ako na ang pinakaswerteng lalaki sa balat ng lupa dahil ako ang minahal mo. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Hindi mo pagsisisihan na sumama ka sa akin."

 We laid together in silence for a long time just staring at each other. He played with my hair with his fingers. I can hear his heart beat against his chest. I softy touch his lips. May pasa sa gilid ng lips niya but it didn't make it any less sexy. He playfully bit my finger and suck on it. He stared at me sexily and I just lay staring back at him. I'm starting to feel hot all over.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon