Chapter Twenty Eight

1.1M 13.1K 3.3K
                                    

Tristan and I are getting along with everyone. Hindi kami nahirapan mag-adjust dahil madali rin naman pakisamahan ang mga bagong kapit-bahay namin. Nakaupo kami ni aling Sonia sa mahabang silya sa labas ng bahay habang tinuturuan niya ako magburda para naman may pagkaabalahan ako. Sa di-kalayuan, si Tristan naman ay nakikipagkuwentuhan sa mga lalaking kasama niya.

Pag-angat ng mukha ko nakita ko ang pink car ni Valerie na paparating. It stopped in front of us.

"Himala, nandito na naman si senorita." Bulong ni aling Sonia.  

Bumaba si Valerie at kumaway sa akin. "Hi, Andie." Nakangiting bati niya. 

Napilitan din akong ngumiti. "Hi..."

"Si Tristan?" Tanong niya. Bigla nawala ang ngiti ko. Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ito sa asawa ko?

She looked around at nakita niya si Tristan. "Oh, there he is!" Tinalikuran niya ako at mabilis na lumapit kay Tristan. Nang makita siya ng asawa ko, lumapit agad si Tristan sa kanya.

Naiinis ako nakikita ko pa lang silang nag-uusap. Look at her smiling like an idiot while she talks to my husband. What are they talking about kaya? And she really needs to stop touching my man. It's so annoying. Talaga bang kailangan hawakan niya sa braso, sa cheeks at kung saan-saan parte ang asawa ko habang kinakausap niya?

"Ouch!" Sigaw ko ng matusok ng karayom ang daliri ko.

"Mag-ingat ka kasi. Kung saan-saan ka tumitingin." Sabi ni aling Sonia.

Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanila. May tiwala ako sa asawa ko pero sa babaeng yan WALA! Pagkatapos nilang mag-usap lumapit sa akin si Tristan.

"Mahal, pinapatawag ako ni senor Jaime." Paalam niya sa akin.

"Go." I said.

He chuckled. Lumuhod siya sa harap ko at pinisil ang mukha ko. "Kiss mo muna ako bago ako umalis."

"Ano ka ba? Nakakahiya." Mahinang sabi ko.

"Sige na, isa lang." Pilit niya.

"Ikaw lalaki ka, akala mo isang taon mong hindi makikita itong asawa mo." Tumawa si aling Sonia.

"Aling Sonia, sabihin mo nga sa masungit na asawa ko na halikan na ako nang makaalis na." Tristan said with his paawa face.

"O, halikan mo na nga yan ng makaalis na." Sabi ni aling Sonia.

"Tristan, let's go." Lumapit sa amin si Valerie.

Tristan gave me a quick peck on the lips. "Kailangan ko na umalis, mahal ko."

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon