Chapter One

2.7M 28.8K 11K
                                    

"Hi, I'm your cousin. My name is Miranda but you can call me Andi." Nakangiting sabi ko at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Anak siya ni uncle James sa ibang babae at kailan lang ipinakilala sa amin. He just graduated from Harvard and uncle is throwing a party for him.

"Hi." Pormal ang mukhang sabi nito.

Napahiyang ibinaba ko ang kamay ko. Ang sungit naman nito! "Uhm, congrats nga pala."

"Salamat." Matipid na ngumiti ito. Tatatlikod na sana ito ng pigilan ko.

"Ay, wait lang, Phoenix. May regalo pala ako sa'yo." Inabot ko sa kanya ang regalo kong isang box na paint set. Nalaman ko kasing mahilig itong gumuhit.

"Maraming salamat. Ilagay mo na lang dun." Sabi nito at itinuro ang mesa na puno ng regalo.

Ginawa ko ang sinabi niya. Inilapag ko ang regalo ko sa mesa pero ng tumingin sa kinatatayuan niya kanina wala na siya dun. Gusto ko lang naman maramdaman na welcome siya sa pamilya. I know uncle Jame's wife hates him. She refers to him as 'James' bastard'. I don't think he is getting along well with his half siblings. He's being treated like a family outcast. Kaya nga gusto ko makipagkaibigan sa kanya dahil alam ko ang nararamdaman niya. I feel like I don't fit in anywhere.

"Hija, why don't you mingle with the other guests?" Inakbayan ako ni daddy.

"Err... Wala po akong kilala sa kanila." Inayos ko ang salamin ko.

"Sumama ka sa mga pinsan mo." Sabi ni daddy.

I made a face. My cousins are all bunch of snotty assholes and bitches. Ako ang underdog sa magpipinsan, madalas nila akong i-bully bata pa lang kami. "Ok na ko dito, dad."

Umiling-iling si daddy. "Why can't you be normal, Miranda?"

"Daddy naman! I AM normal!" Nakasimangot na sabi ko.

"Honey, what's happening here?" Lumapit si mommy na may hawak na isang baso ng champagne.

"Sinasabihan ko lang itong anak mo na makihalubilo naman sa mga tao." Sagot ni daddy.

"Miranda, your dad's right. Huwag mong sayangin ang oras mo sa kababasa ng libro. Go out, hang out with your friends, enjoy your life." Sabi nito.

Ugh! I hate it kapag sinesermonan nila ako tungkol sa pagbabasa ko ng mga romance novel at hindi ko paglabas ng bahay. I am not a social person, introvert ako! Can't they just accept me for who I am? Maswerte nga sila sa akin. I don't sleep around, I don't do drugs and I don't waste their money buying expensive stuff like most girls my age. Books are my only addiction.

"Oh please, mother, give me a break. Can't you just be thankful that I didn't turn out to be a meth addict? You make it sound like I'm doing something wrong with my life. I don't go sleeping around and getting pregnant. I don't think there is anything wrong with wanting to spend time with myself than hang out with those rich brainless hypocrites. Now if you'll excuse me, I have a date with Rhett Butler." I rolled my eyes. Si Rhett Butler ang hero sa binabasa kong romance novel na Gone with the wind.

"You're not going anywhere, darling. I already set you up on a date with someone. A real guy." Hinawakan ako ni mommy sa braso para hindi ako makaalis.

"Mother, stop interfering with my personal life, will you?" Inis na sabi ko.

"Jason, darling, come over here." Lumingon si mommy sa likuran niya. Isang matangkad at gwapong lalaking naka midnight blue tuxedo ang lumitaw mula sa likuran ni mommy. Gosh, makalaglag panty ang kagwapuhan. "Sweety, this is Jason. Jason, my daughter, Miranda."

"Nice to meet you, Miranda." Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. He gently kissed the back of my hand. OMG! Akala ko sa mga pocketbooks lang ginagawa ng mga lalaki ang ganon.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon