-12-

57 3 1
                                    

-12-

***

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakaupo sa sofa sa sala. Hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako sa nangyari. Matalim na tinitigan ko si Jokwon na abala sa kunwaring pakikipag-usap kina Yasmin. Napahinga na lang ako ng malalim para maalis kahit papaano ang inis at hiya na aking nararamdaman.

"Kung gusto niyong tumawa okay lang naman. Hindi ako magagalit." Walang kalatoy-latoy na tiningnan ko sila isa-isa. Inihahanda ko na ang aking mga tenga sa wagas nilang pagtawa pero nakalipas na ang ilang sandali ay mga nakayuko lang sila.

"Anyare sa inyo?" napapakamot sa batok na tanong ko sa kanila. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa pananahimik nila. Parang mas luluwag pa ang loob ko kung nagtatawanan sila ngayon.

"Randee, what happened earlier was funny, really. But.. hindi naman siguro tamang magpakasaya kami sa kahihiyan ng iba di ba?" Nagulat ako sa sinabi ni Ren. Itsura ng mga 'to hindi pagtatawanan ang mga kahihiyan ng iba? Eh numero uno maloloko ang mga 'to.

"He's right, best. Actually kami ang may pagkakamali. We invaded your privacy. Hindi tama na pumasok kami sa room mo without your consent. Ilang beses pa lang ba akong nakakapasok sa kwarto mo? Wala pa yatang sampung beses sa buong pagkakaibigan natin. Dapat sa'ming lahat ako ang nakakaalam na ayaw na ayaw mong may ibang pumapasok sa kwarto mo ng basta basta. Pasensya na Randee ah.." nakapout na saad ni Yasmin.

"Eh bakit naman ako? In and out lang. Hindi nga makapalag 'yang si Randee kahit tabi pa kaming matulog." - Jokwon

"Ano?! Natutulog ka sa kwarto ni Randee?" gulat na tanong ni Ren.

"Magkatabi pa kayo?" dugtong naman ni Arc. Balewala namang tumango si Jokwon.

"Oo bakit? Ang higpit ngang yumakap niyang si Randee eh." pagmamalaki pa nito.

"Pero lalaki ka at.. at.." - Ren

"At ano Ren? Babae ako? Alam niyo namang lalaki ang kaluluwa ko. Saka wala namang malisya sa pagitan namin ni Jokwon. Bestfriend ko siyang lalaki. Saka walang hiya ang lalaking 'yan kaya kung makapasok na lang sa kwarto ko ay akala mo siya ang may ari."

"Sakit mo namang magsalita. Samantalang kagabi sabi mo namiss mo ako. Nag-pillow fight pa nga tayo diba? We were so sweet--"

"Oo na! Ikaw na! Kutusan kita ng sampung milyon ng matigil ka diyan eh!" Inirapan ko si Jokwon bago ko binalingan ang aking mga bwisita. "Teka.. Bakit nga pala ang aga niyong pumunta dito? May klase pa tayo mamayang 10 ah!"

"Nag-announce na walang pasok. May meeting lahat ng professors dahil ata sa paghahanda sa University Stars next month." agad na sagot ni Jowee.

"Eh anong ginagawa niyo dito kung wala pala tayong pasok?"

"Best, eto kasing si Jano.. 'Yung company ng dad niya ay may charity event.. since wala naman tayong pasok ay isasama daw niya tayo para hindi naman masayang ang araw natin at makatulong pa tayo sa mas nangangailangan."

"Anong klaseng charity naman 'yun?" Okay lang naman sa'kin magparticipate basta 'wag lang may makukulit na batang involve.

"Ah.. Ang sabi kasi ni Dad somewhere in Rizal tayo pupunta. Bale isang school ang pupuntahan natin.." paliwanag ni Jano.

"School? Meaning may mga bata?" nakangiwi kong tanong.

"Malamang naman Randee. School nga eh.. Hindi naman home for the aged ang pupuntahan natin." singit ni Ren.

"Hoy Jano! Kasama ba 'tong si pretty boy?" matalim kong sinulyapan si Ren bago bumaling kay Jano.

 "Of course! Ako pa ba ang mawawala? I love kids kaya hindi pwedeng hindi ako sasama." Energetic na sagot ni Ren.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The TomboyWhere stories live. Discover now