-10-

44 1 0
                                    

-10-

***

YASMIN's POV

"By the way bestfriend, I heard na pinalitan nila yung criteria of AMADEEJAY ah."sabi ko kay Randee while I'm looking for the book na kailangan ko.

"Haist! Yun nga eh..."Randee frowned. For sure hindi niya nagustuhan yung bagong criteria. Nung mabasa ko pa nga lang 'yon I immediately prayed for the soul nung kung sino mang nagpalit ng criteria eh.

"So... are you going to join pa din?"

"Oo sasali siya." Napalingon ako kay Adreinne.

"Ikaw ba ang tinatanong? Bestfriend ka ba? Ha? Di ba cousin ka?"-Randee. That's what you get kapag epal sa usapan. Nababara. HAHAHA.

"Yan ka na naman Randee eh.. Sinusungitan mo na naman ako!" nakapout na reklamo niya.

"Ang epal mo kasi. Hindi naman ikaw ang tinatanong! Tapos parang sure na sure ka pa sa sagot mo. Ayos ah! Kaw ako? Eh di kaw na lang ang sumali!"-Randee. HAHAHA. Okay.. I won't make sawsaw muna. I'll let Randee deal with this epal creature.

"Asus! Eh di ba sabi mo naliwanagan ka sa mga sinabi ko last time? Eh di parang sinabi mo na din na sasali ka!" Nag-usap sila about this? Bakit hindi ko alam? Napanganga na lang ako habang pinapakinggan sila.

"Sinabi ko nga yon pero hindi ibig sabihin non 100% na nakumbinsi ako na magjoin!"-Randee

"Malabo ka palang kausap eh. Nagpromise pa nga ako sa'yo na ichecheer kita tapos bulaan ka pala! You're disappointing me Randee."sabi ni Adreinne.  Waaaaaahhh. Bakit may ganitong eksena ang dalawang ito? Super close na talaga sila?

"I'm disappointing you? Uhm... Parang hindi naman!"-Randee.

"Ewan ko sa'yo! Seryoso ako Randee."seryoso nga na sabi ni cousin.

"Kuh... Mahal mo lang ako pare." Teka... Bakit lumiko ang usapan? AMADEEJAY ang topic pero bakit nauwi sa ganito?

"Aminado na ako dun di ba? Mahal nga kita. Ano pa ba ang kelangan kong gawin mapatunayan ko lang sa'yo ang tunay kong nadarama!?" Hindi lang ako nakakanganga ngayon.. My beautiful eyes--Oh my beautiful eyes sobrang laki dahil sa mga nariririnig ko. What's happening? Late na naman ako sa balita? Gosh!

"Mapangiti mo lang ako palagi okay na."at nagbeautiful eyes pa si Randee kay Adreinne. Seriously?! T-teka... Parang nasusuka ako ah..

"You know how much you mean to me kaya I'll do everything just to make you smile." What the **** is going on? I wanna ask them but walang boses ang lumalabas sakin. Dahan dahan kong iginala ang paningin ko. Nakakaagaw na kami, I mean, sila ng attention. Akala siguro ng mga tao may shooting dito. Pero they're not just acting di ba?

"Sige nga kantahan mo nga ako." dare ni Randee kay cousin. Napalunok na lang ako. Natutupad na ba ang isa sa mga pangarap ko?

"Yun lang ba? Anong gusto mong kantahin ko?" Nagkakagustuhan na ba talaga ang bestfriend ko at ang cousin ko? Waaaaahhh.. God, ibalik ninyo na po ang boses ko.

"Pusong bato!" Sigaw ni Randee. Gusto kong humagalpak ng tawa but ayaw talagang gumana ng katawan ko.

"W-what? Ano yon?" Epic lang ang itsura ni Adreinne. Obviously hindi niya talaga alam kung ano ang pusong bato.

"Kunwari ka pa na hindi mo alam... Ayaw mo lang ata kumanta eh..."-Randee

"Hindi ko talaga yon alam. Promise!"-Adreinne

"Okay... Sayaw ka na nga lang!"-Randee

"Anong tugtog?"Kinapa niya ang bulsa niya. "Awts! I forgot my phone. Anong nasa playlist mo diyan?" tanong ni Adreinne kay Randee habang nakatingin sa hawak na phone ni bestfriend.

[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The TomboyWhere stories live. Discover now