-11-

42 1 0
                                    

-11-

***

"A-aray!" daing ng taong nakalupagi sa sahig. Mukhang nahihirapan siyang makakilos.

"Subukan mong gumalaw at hindi ka na aabutin ng bukas!" Banta ko sa kanya. Agad naman akong tumakbo para buksan ang ilaw. Pero nagulat ako ng mapagsino ang taong nakatikim ng malakabayo kong sipa.

"J-jokwon!" Nilapitan ko siya at tinulungan makaupo sa kama.

"Grabe ka Randee... Muntikan na akong malagasan ng tadyang sa lakas ng sipa mo.." nakangiwi siyang tumingin sakin. Nagui-guilty namang napakagat-labi ako.

"Sorry. Alam mo na.. Adrenaline rush."

"Kahit na.." Hinahaplos nito ang parte kung saan ito nasaktan.

"Jokwon.. Kahit sino naman siguro na nasa kalagayan ko ganon din ang gagawin. Alam mo 'yon antok na antok ako tapos bigla na lang may dadantay sakin. Ang pagkakaalam ko ay nag-iisa lang ako kasi KWARTO ko naman kasi 'to."

"Tanga ka ba?! Nasa baba kaya sina Mama kaya automatic na kasama nila ako. Magtataka ka pa na nandito ako!"

"Gagu ka pala eh! Hindi ko naman kasi sila nakita! Dito na ako tumuloy pagkarating ko!"

"So, that's not my fault. Tsk! May krimen na palang nagaganap ni hindi ka aware. Kakatakot kang kasama sa bahay."

"Alam mo ang layo na ng tinakbo ng utak mo."

"Realistic lang! Aba delikado yang gawain mo na 'yan. Huwag kang kampante kahit sa sarili mong bahay."

"Opo Lolo.. Pasensya na po ah.." Umiiling na humiga ako sa may legs niya.

"Randee ang bigat mo. Umalis ka nga diyan!" Naiinis na inalis niya ang ulo ko sa pagkakahiga sa legs niya.

"Aray ha! Baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo!"

"Nasa kwarto mo."

"Oh kwarto ko! Kaya huwag kang makapagsiga dito at kayang kaya kitang palayasin dito!"

"Waaahh.. Takot ako.." sarcastic na sabi ni Jokwon.

"Haist!" Naiinis na kinuha ko ang isang unan at itinakip sa mukha ko. Makatulog nalang kesa makipag-usap sa lalaking 'to.

"Ay 'wag mo naman akong tulugan!" Inalis niya ang unan bago ako pilit itinatayo. Asar na asar na winawagwag ko ang aking mga braso mula sa pagkakahawak niya.

"Ano ba!? Utang na na loob! Gusto ko ng matulog!"

"Ang hospitable mo naman! Bisita ako. Huwag mo akong tulugan!"

"Bwisita ka! Hindi ko naman kailangang magpakahospitable sa'yo! Feel at home ka naman lagi eh!"

"Randee.. Huwag mo akong tulugan. I missed you." Hindi pa din tumitigil ang hinayupak na lalaking 'to sa panggugulo.

"I-miss mo ang mukha mo! For sure naman hindi pa kayo aalis.. Marami pang pagkakataon para makapagharutan tayo. Kaya please.."

"AYAW! Bangon na! Bangon na!" akala mo ay nasa rally na sigaw ng sigaw si Jokwon.

"Haist! Hindi ka pa din nagbabago Jok!" buong lakas kong hinampas sa kanya ang unan para mawala naman kahit konti ang bad vibes sa katawan ko. Gustong gusto ko ng matulog pero may isang asungot dito na parang ewan lang.

"Masakit yun Mirang ha!" Kumuha din siya ng unan at hinihampas sakin.

"Aba't-- Nalaban ka ah.." Gumanti ako sa paghampas niya sakin. At doon na nga nagsimula ang pillow fight namin. Para kaming bumalik sa pagkabata. Wala kaming pakialam kung nagkandasira-sira na ang mga unan na hawak namin. Nagkalat na din ang mga bulak na laman ng mga ito. Nang mapagod ay tumatawa kaming napahiga sa kama at parehong tumitig sa kisame. Hinihingal na nagsalita ako.

[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon