-3-

59 1 0
                                    

-3-

Randee's POV

Kung kaninang umaga ay si Adreinne ang nakamangot, ngayon ako naman. Hindi pa din ako makaget over sa bangungot ko. Hindi ko talaga masikmura ang mahalay na pangyayari na yon. Sa dinami dami ba naman ng bangungot ganun pa. Walastik. Ipakain na lang ako sa pating o kaya nilunok ng anaconda pero huwag naman sanang ganun. Nakakawalang ganang mabuhay eh. OA ba? Bigti ka na. Sa hindi ko matake eh! Para tuloy akong magkakastiff neck kasi todo effort ako ng hindi mapalingon sa gawi ni Adreinne. Mawalan pa ako ng ganang kumain. Baka isipin pa ni Sunny na ang arte ko namang tomboy. Buti na lang wala sina Tito at Tita. Haisst!

 "Randee.. Baka naman ma-stroke ka niyan sa pagkakayuko mo. Tunghay tunghay din pag may time." - Adreinne

"HEHE. Peyborito ko kasi tong adobo kaya galit-galit muna." tumunghay ako pero kay Sunny ako nakatingin.

"Hoy Randee heto ako sa tapat mo ohh. Ako kumakausap sa'yo pero kay Sunny ka nakatingin. Duling ka ba?"  -Adreinne

"HEHE. Magkamukha kasi kayo ni Sunny kaya sa kanya ako napatingin."

"Lame." - Adreinne

"Ano?"

"Wala."

"Ate Randee, gusto mo pa adobo?" - Sunny

"Thanks Sunny pero busog na ako eh."

"Akala ko ba favorite mo yang adobo eh bakit ni hindi ka nga ata nakadalawa."-Adreinne

"HEHE. Andaldal mo kasi Adreinne nakakawalang gana este nabusog na tuloy ako."

"HAHAHAHHA" si Yasmin at Sunny tumatawa ng walang dahilan.

"Problema ninyo? Anong katawatawa?"

"Kayo!" sabay pa ang dalawa.

"Ano kamo?"-Adreinne

"Kuya kung si Ate Randee duling ikaw naman bingi. Bagay nga kayo. WAHAHAHA"

"Iwwwwww!" sabay na react namin ni Adreinne.

"Ayun oh sabay pa!"- Yasmin

"Ayyyyyyiiiieeeee!" - Sunny

"HEHEHEHEHEHE. Lakas ng trip ninyo." sabay tayo ko.

"HAHAHAHAHAHAHA" sina Sunny at Yasmin ulit. Bakit kamo? Eh kasi tumayo din si Adreinne at mukhang magwawalk out din.

"Haisst! Dalian mong kumain Yasmin. Sabay na tayo pabalik sa kwarto." sabi ko sabay upo ulit. Si Adreinne tuloy tuloy ng lumabas. Pikon na din siguro sa dalawang baliw na ito eh.

Simula nun buong effort talaga ako para maiwasan si Adreinne. Mahirap na pag nagkaasaran na naman kami. Baka maghalo na ang balat sa tinalupan.

Pero yun ang akala ko kasi...

After 2 days..

Katatapos lang naming mamasyal ni Yasmin sa Gyeongbok-gung Palace. Kakapagod pero nag-enjoy naman kami sa sobrang ganda nung palace. Ilang  araw na din na hindi ako ginagambala ni Adreinne kaya todo pag-eenjoy na ang ginagawa ko.

Since kanina pa kami naglalakad we decided to look for a restaurant o kahit café lang para kahit papano ay makakain kami at makapagpahinga. So pasok kagad kami sa loob ng unang restaurant na nakita namin. Ang saya ng kwentuhan namin ni Yasmin ng may biglang dumating na magandang babae tapos pagtapat samin ni Yasmin ay biglang nagsisisigaw at nag-iiyak habang nagkokorean. Naguguluhan akong nakatingin lang sa babae. Tapos nang ilibot ko mata ko sa paligid nagbubulungan yung ibang mga customers habang ang iba ay napapailing na lang na para bang awa awa sa babaeng nagtatakbo palabas. Kahit si Yasmin ay naguguluhan sa nangyayari,.Hindi na ako nakatiis at napasigaw ng “Wait wait.. WHAT’S GOING ON?!”

[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The TomboyWhere stories live. Discover now