-5-

49 1 0
                                    

-5-

Krrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnnngggggggggg! Wake up! Wake up! Krrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnggggggg!

Krrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnnngggggggggg! Wake up! Wake up! Krrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnggggggg!

“Argh! Bwisit na alarm clock yan. Ang sarap sarap ng tulog ko eh..Istorbo!!” pupungat pungat kong kinuha yung bwisit na alarm clock para patigilin sa pag-iingay. Saka bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

TOK TOK TOK!

“Randee! Gising na. May pasok ka pa. Baka malate ka nyan sa school!” sigaw ni Mommy.

Hindi ako kumikilos. Antok na antok pa talaga.

“Randee ano ba?”

“Opo My!” naiinis man ay tumayo na din ako para pagbuksan ng pinto si Mommy.

“Morning anak, magprepare ka na.”

“Morning din po. Sige po ligo na ako.”

“Bilisan mo.. “

Tumango na lang ako sabay talikod papuntang CR.

Hindi nga nagkamali ang nanay ko. Kaya heto ako karipas na ng takbo kasi talagang malalate ako sa first class ko. Wala pa man din si Manong Roger, umuwi ng probinsya kaya heto ako commute. Malalate na talaga ako kaya pagpasok na pagkapasok ko ng gate eh kumaripas na ako ng takbo. Kaso pag tinamaan ka nga naman ng malas sa sobrang pagmamadali ko ay natapilok ako at muntikan ng masubsob. Buti na lang may isang mapagpalang kamay ang nakahawak saken kaya hindi ako tuluyang humalik sa lupa.

“Sh*t!”

“Okay ka lang?

“Y-yes, t-thank you.” Sinabi ko ng hindi man lang tumingin dun sa tumulong saken. Talagang madaling madali ako eh. Pero this time ay hindi dahil sa malalate ako kundi dahil familiar yung boses nung lalaki. Natakot lang akong tumingin kasi baka nga tama ako sa iniisip ko kung sino yun.

Buti na lang pagdating ko ng class room ay wala pa yung prof ko. After 2 minutes saka 'to dumating. Pero nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa likuran ng aming prof. Nagkaingay naman yung mga classmate ko lalong lalo na ang mga girls.

“No---this can’t be.”  Isang buwan na ang nakakalipas at ang mga ala-alang pilit kong binabaon sa limot ay bigla na lang nagsisulputan dahil sa hinayupak na kasama ng prof namin. Watta life!wattang watta!!

“Good Morning. Class meron kayong bagong classmate. Hijo please introduce yourself.” sabi ng Prof. Batongbakal.

“Okay po. AHmm.. Good morning everyone. I’m Adreinne Lee, half Korean half Pinoy. 18 years old.”

Tilian naman ang malalandi kong classmates. Ay I love it-KPOP----. Ang pogi naman niya.--- I think I’m inlove na--- wow kissable lips---ahhh jojowain ko yan----ilan lang yan sa mga reactions na mga OA kong kaklase. Inirapan ko si Adreinne ng tumingin ‘to sa gawi ko.

“Okay Mr. Lee umupo ka na kung saan may bakanteng upuan.” Si prof

“Thank you ma’am.”

Sakto naman na walang nakaupo sa tabi ko kaya agad kong nilagay yung bag ko dun para hindi ito umupo dun.

“Pede bang dito na lang ako umupo?”

“Ay sorry Mr. Lee may nakasave na dito eh.”

“Hey dito ka na lang sa tabi namin.” singit naman ng maarteng si Johanna.

“Thank you pero mas gusto ko dito sa pwesto na to.”

“Ay may nakaupo na nga dito eh. Dun ka na lang kay Johanna oh”

[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The TomboyWhere stories live. Discover now