SG.6 - Here we go

112K 3.6K 409
                                    

Where do we go from here...?

Kagat-kagat ko pa rin ang labi ko habang naghihintay ng sagot mula sa kanya. I don't really know how to feel right now. He seems mad and I feel very awkward.

I told him to ditch his girl. Tama naman diba, kaysa naman maging ako ang third party. Dapat lang talaga na iwan niya ang babaeng iyon kung gusto niya ako.

Damn! I'm a fucking Consunji and I should never settle for less.

I deserve the best.

But when he said that he already ditched his girl, I found myself speechless. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Hindi ako mapakali. Mauupod na yata talaga ang labi ko habang nakaupo ako doon sa loob ng kotse niya.

"So... uhm... Uhm, where do we go from here?" I asked him. He shook his head.

"You're really a wonder!" Pagak siyang tumawa. "Ikaw ang nagdala sa akin sa sitwasyong ito pero ikaw pa talaga ang may ganang magtanong? I broke up with my girlfriend because being with her feels wrong already..."

"And this feels right?" I asked her. Nakakaramdam ako ng kaba. First time ito. Mas kabado pa ako ngayon kaysa noong una akong nakipag-blow job sa ikalimang boyfriend ko.

"I don't know! Jeez! What have you done to me, you witch?!" He hissed. Nanlaki ang mga mata ko. Napailing naman si Ignacio. Pinaandar niya ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kabado pa rin ako.

How can he make me feel like this? He's just a boy... A boy who kisses good. A boy with beautiful biceps and I'm sure he has abs too.

God! He's intoxicating my being too! He's even corrupting my thoughts!

Akala ko ay iuuwi na niya ako pero lumiko kami sa may Lincoln Avenue tapos ay pumasok kami sa isang residensial building. Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan tapos ay hinatak ako papasok sa elevator. I was still biting my lower lip as he held my hand. My heart was beating fast, parang lalabas na nga iyon sa dibdib ko.

The doors opened. We walked. Nasa ninth floor kaming dalawa. Maya-maya ay huminto kami sa tapat ng isang pinto. He put in his key and we entered the unit.

Noon niya lang ako binitiwan.

I twisted my lips. Maybe this is his place. I started looking around. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Ignacio pero ako ikot nang ikot. Sa isang mahabang wooden cabinet ay sari-sari ang mga litrato doon. I saw a picture of his sister riding a swing, mayroon ding picture na silang tatlo ng Mommy niya, tapos iyong silang dalawa ni Mikee na nakatayo sa gitna ng park habang may snow man sa gitna nila. I saw a picture of him and an old man - maybe that was his dad. Nakasuot si Iggy ng white na toga. Graduation niya siguro noong high school.

I walked around. The unit is very manly. Black and white ang theme ng kulay doon. May malaking painting ng Yinyang sa wall sa kaliwa, sa kanan naman ay iyong malaking wall clock - iyong mismong wall ng clock, nilagyan lang ng numbers ang pader pati na rin iyong mga kamay ng relo.

Dumiretso ako sa glass window niya. I could see the city from where I am. I saw the mall, and then the University... Everything is just too little...

"Let's talk."

Nagulat pa ako nang bigla siyang magsalita. Humarap ako sa kanya eksakto, pagharap ko ay binato niya sa akin ang isang kulay dilaw na t-shirt na may print na stripes sa baba.

"Magpalit ka muna ng damit. Itago mo iyang tyan at pusod mo." Inis na wika niya. Binato ko sa kanya pabalik ang t-shirt niya.

"You don't get to tell me what to do!" I hissed.

Sweetest GoodbyeWhere stories live. Discover now