SG. EPILOGUE - Beginnings

187K 4.8K 696
                                    

"Don't tell me, kaya ka nagpunta dito sa club house na ito kasi ito iyong lugar kung saan kayo unang nagkabonding moment ni Hyacinth at iniisip mo nga na dito mo siya matatagpuan? Same date, Iggy? Wala siya. Hindi siya dumating. Instead she called me. Ayaw ka niya kasing magmukhang tanga. I should be thankful to her. Her loss is my gain."

Kirstine was in my head again. Hindi naman ako naniniwala na hindi darating si Hyacinth. May usapan kaming dalawa. Hindi pwedeng hindi siya pupunta, but thinking about it, hindi naman alam ni Kirstine na pupunta ako dito ngayon at hindi rin niya alam ang tungkol sa usapan namin ni Hyacinth, so what are the reasons of her being here, other than Hyacinth really called her?

Pero hindi pa rin ako umalis. I sat on the bleachers waiting for any changes pero nilamok na ako at lahat ay wala pa rin siya. In my head, I was thinking of bad things. Maybe she met an accident or maybe she was trapped in a meeting. Busy si Hya, nagpapatakbo siya ng malaking company, pupunta naman siya.

"Ignacio, let's go home. Umuwi na tayo sa Dubai. Mas bagay tayo doon. Sa Dubai, may sarili tayong mundo at buhay. Hindi mo kailangan ng babaeng mananakit sa'yo panay."

Tiningnan ko siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Ang sabi ni Mikee sa akin ay may gusto sa akinang isang ito pero hindi naman iyon mahalaga. Hindi ko siya nakikita dahil si Hya lang ang gusto ko.

Walang nagawa si Kirstine kundi ang iwan ako doon. I waited until six in the morning the next day and came back the next day but there was no sign of her.

Nasaktan na naman ako. Nakaramdam ng galit at hinampo pero sa kabila noon. Alam kong mahal ko pa rin siya.

Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang mag-co-exist sa mundong ginagalawan naming dalawa nang nakakapagpigil ako. Sa tuwing nakikita ko siya sa mga functions nang nginingitian ako na para bang walang nangyari ay naiinis ako. Gusto ko siyang lamukusin na parang papel. Sa isipan ko, kahit na mahal ko siya ay gusto kong makaganti sa kanya para malaman niya kung anong klaseng sakit ang dala ng pagmamahal ko para sa kanya. Lahat ng sakit na pinadarama niya ay gusto kong ibalik sa kanya.

And I planned on doing that pero umurong ako nang isang araw ay tumawag siya sa akin para sabihin na she misses me. She wanted to talk to me and maybe that was the chance I had been waiting for but Hya stayed true to her trait – she's very unpredictable – nang magkaharap na kaming dalawa sa loob ng isang coffee shop ay ngumiti sa akin si Hyacinth. Hinanap ko agad sa mga daliri niya ang singsing na kinuha niya sa akin noon pero wala.

"I want us to be friends, Ignacio." Sabi niya sa akin. "I guess, I couldn't really let go of you that easy. Nanghihinayang kasi ako sa memories, and I read from somewhere that for the memories not to be wasted, you have to remain connected to the other person. And you're the other person. Let's be friends, Iggy."

Is she kidding me? Gusto niyang maging magkaibigan kaming dalawa? Pagkatapos ng lahat ng iyon, mauuwi kamisa pagkakaibigan lang?

"Sure..." Hindi naman ako makapaniwala sa naging sagot ko. May plano ako. Kung magiging magkaibigan kaming dalawa, hindi malalayo si Hyacinth sa radar ko. Mas madali niyang makikita ang mga ginagawa ko.

And so, I decided to date. Ang problema, ako. Kapag nasa actual date na ako, panay boredom ang nararamdaman mo. Naranasan ko pa na noong umupo iyong babae sa harapan ko noong nasa restaurant na ako ay pinaalis ko siya, ang ending sinabuyan niya ako ng tubig sa mukha.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I need to forget about her and yet, here I am still mopping for her. Nasa Dubai na ako at lahat, nalasing na ako at lahat ni Kirstine pero sa isipan ko, si Hyacinth pa rin. Hindi naman ako mahal noong tao – she made me her friend. Kahit na alam niyang pwede naman kaming dalawa. Bakit hindi siya ang gumawa ng paraan? Siya ang nakipaghiwalay noon. Ang basa ko sa actions niya, gusto niya ako pero duwag siya at ayaw niyang ibaba ang pride niya.

Sweetest GoodbyeWhere stories live. Discover now