SG.27 - Three hundred sixty degrees

113K 3.4K 635
                                    

                  

"Mama, may sakit ba si Papa? Is he dying?"

It was a Sunday morning and I was at the mansion to have lunch with the family. Masaya si Mama dahil buo na naman kaming pamilya. Nandito si Rael, si Nautica si Yael at ang mga apo niya sa ulol na iyon, pati na rin si Alyza. Rael had been so busy with his adventures he's a wildlife photographer. He works for The National Geographic. Si Nautica naman ay naging artist. Siya ang nakamana ng hilig ni Mama sa paged-design, pero hindi ng sapatos kundi ng kakaibang mga wires. Ang tawag niya sa art niya ay Wizardry. She paints too at ang paborito niyang subject ay mga nakahubad na lalaki. Papa was, of course appalled by this pero wala siyang magagawa. Nautica is very famous in Amsterdam and other parts of Europe. Minsan na lang siya umuuwi kapag holiday dahil sa dami ng ginagawa niya.

Si Yael naman ay ang Presidente ng TV station na binili ni Papa noon – hindi dahil sa akin kundi dahil palugi na ang kompanya.

"What are you saying, Hya?" Nakatayo si Mama sa harap ng electric stove habang hinahalo ang spaghetti sauce niya. Ako naman ay kumakain ng kamatis na hinihiwa ni Aly. She was beside me, listening to our conversation. Hindi pa rin naman siya gaanong kinikibo ni Mama pero tuwing nababalitaan niya ang pambababae ni Yael ay siya ang agad na tumatawag kay Aly. She makes up these petty excuses just to know if she's alright.

"Well two days ago, he found Ignacio in my house."

"Bakit? Oh my god! Nagkabalikan na kayo? Bakit hindi sinasabi ni Alicia sa akin ito? It's about time! Five years noong una ngayon eight years! That's four thousand seven hundred forty five days already! Sana naman enough na iyon at magpakasal na kayo!" Mama exclaimed. Nakahawak pa siya sa dibdib niya. Nagkatinginan tuloy kami ni Aly.

"Hindi ma. Namatay ang Daddy niya. He needed someone to talk to. He came to me."

"Why would he come to you if he doesn't want to get back together?" Tanong naman ni Mama sa akin. Nagkibit-balikat ako.

"Oo nga naman, Hya." Sabi pa ni Aly. Napatango si Mama. "Sa dami ng babaeng naghahabol kay Iggy. Nandyan si Margaret Tongco, iyong model, si Cheska Ramos, iyong best supporting actress, si Lulu Spencer, iyong anak ng may-ari ng Telecom Company, tapos iyong Princess ng Brunei at si Kirstine na mahadera, lahat sila naglalaway kay Iggy---"

"Ikaw, kasama ka ba doon?" Biro ko kay Aly. Buti na lang at hindi nakikinig si Mama. Busy siya sa paghahalo ng sauce. Alyza rolled her eyes.

"Yes! Proud naman ako at alam mo iyan pero mas ikaw ang dapat ssa pwesto sa tabi niya no. Ikaw naman ang pinaglalawayan noon. Noong nakaraang linggo, nag-order siya ng cupcakes para kay Mikee, nagkita kami. He was asking about you."

"Selos ka naman?" Tanong ko ulit. "Mas dapat kang magselos doon kay Raquel Lactaotao – doon sa girlfriend ng asawa mo." Inis na sabi ko.

"Wala akong pakialam." Sabi ni Alyza. "Basta umuuwi siya at nagpapakita sa mga bata at present siya sa mga family day at birthdays, bongga na lang. Kapag pinansin ko pa iyang kapatid mong abnormal, mamamatay ako ng maaga. Kawawa naman ang mga anak ko."

Tumahimik si Aly nang humarap si Mama sa amin. Mukhang wala naman siyang narinig sa ipinagbubulungan naming dalawa. She asked about Ignacio again.

"Niyaya ka niyang sumama sa Amerika? Bakit hindi ka sumama. If he's not in a relationship, anak, you can be with him as a friend. You know, for moral support."

Hindi na ako sumagot. Hindi na naman kasi matatapos ang usapan naming ni Mama. Obvious naman na hanggang ngayon, gusto pa rin ni Mama si Ignacio para sa akin. Gusto ko rin naman siya para sa sarili ko kaya lang wala na. Hindi naman siya tumupad sa usapan naming dalawa. Anyway, kontento naman ako sa friendship namin. Ang problema ko lang ngayon ay hindi ako maka-move on sa sinasabi ni Papa na gusto na daw niya si Ignacio ngayon.

Sweetest GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon