EPILOGUE

204K 4.9K 320
                                    

EPILOGUE

"LEXUS!" tawag ni Von Ether sa bunso nitong kapatid.

Magkasalubong ang dalawang kilay na nilingon ng anak niyang babae ang kuya nito. "It's Lexy, Kuya, it's Lexy!" pagtatama nito, saka lumapit sa kanya. "Mom, Lexy po ang nickname ko, hindi po ba?" malambing na tanong nito.

Lexus talaga ang pangalan nito, kaya lang ay hindi yata trip ng anak niya.

"Lexus ang name mo, Lexus," pagpupumilit naman n'ong isa.

Tinanggal muna ni Natalie ang suot niyang sunglasses. Nasa labas lang sila ng bahay nila at naisipang mag-swimming ng mga anak niya sa pool na ipinasadyang palakihan ni Scott.

Isang buwan na rin halos ang nakakalipas nang makauwi sila galing Paris. Doon sila nag-family vacation. Gustong-gusto sila ng mga magulang ni Scott, lalo na ang mga apo ng mga ito.

Tiningnan niya ang anak na naka-swimwear. Namumula na rin ang balat nito na manang-mana sa kutis ng asawa niyang mestiso. "Lexus is your real name, baby, and yes, we can use Lexy for your nickname."

Tumango-tango naman ito. "How about, Kuya? Two po ang name niya, Mommy. Von Ether."

"We can call him whatever we want. Von or Ether is fine with him."

"What about..." Nag-isip si Lexus saglit na para bang may inaalala. "Mommy?"

"Hmm?"

"Do you know that Saleen, my best friend, has a little crush on Kuya Ether?"

Tumaas ang isang kilay niya.

"Mom, are you mad? Is it bad?"

"I'm not mad, baby, but—"

"Why do you need to lift your eyebrow if you're not mad?"

Kung hindi niya lang siguro anak ito ay baka sinamaan na niya ng tingin. Ayaw niya talagang pinuputol ang sasabihin niya.

Masyadong madaldal si Lexus at hindi niya alam kung kanino ba ito nagmana. Hindi naman puwedeng sa kanya dahil hindi naman siya palasalita.

"Go to your Kuya and tell him na umahon na. Aalis tayo."

"Where are we going, Mommy?"

"To your dad."

Tumalon ito at bumungisngis pa sa sobrang excitement. Gustong-gusto kasi nito na pinapanood si Scott na mag-direct ng films. Sinabihan din sila na gusto nitong mag-artista na agad niyang hindi sinang-ayunan pero ang magaling niyang asawa ay sumang-ayon naman. Ewan niya kung sino ang masusunod sa kanilang dalawa.

Pinaliguan niya muna si Lexus at binihisan. Si Ether ay masyadong independent at ayaw magpatulong sa kahit anong bagay. Ang anak niyang lalaki yata ang nagmana sa kanya. Madalas kasi na tahimik lang ito at mahilig magmatyag sa paligid. Para bang pinag-aaralan nito ang mga bagay-bagay. Isa pa, hindi rin ito palangiti.

"Von Ether," tawag niya rito.

"Po?"

"Come here, aayusin ko ang damit mo." Iminuwestra pa niya na tumabi ito sa inuupuan niya.

"No, Mommy. I can handle this po," sabi nito at muling ibinutones ang checkered polo na napili nitong suotin.

"Mom, paki-brush po ang hair ko, nagulo ko po," singit naman ng katabi niya na may hawak pang maliit na salamin habang inaayos ang curly hair nito.

Kinuha naman ni Natalie ang suklay sa tabing mesa at sinuklayan si Lexus. Tinalian na rin niya para hindi na magulo ang buhok nito kung sakaling hanginin.

EHS 5: His Mysterious WardWhere stories live. Discover now