CHAPTER 7

124K 3.2K 85
                                    

CHAPTER SEVEN



NAKAHINGA si Natalie nang maluwag nang mawala na sa paningin niya ang bulto ni Scott. Para siyang nasa impiyerno habang kasama ito sa isang bahay at pareho silang nagpapagaling ng kani-kanilang mga sugat. Halos isang linggo rin siyang nagtiis sa presensiya ng lalaki.

Mabuti na lang talaga at napakiusapan niya si Carlie na bigyan siya kahit ilang araw. Miss na miss na kasi niya ang amoy ng ospital.

At heto nga siya ngayon, ginagampanan ang pagiging isang doktor.

"Good morning, Doctor Beatrice," bati ng ina ng isa sa mga batang pasyente niya.

Mas kilala siya bilang Beatrice sa ospital dahil na rin iyon ang gusto niyang itawag ng mga ito sa kanya. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Magra-rounds kasi siya sa buong ward.

Sa ospital lang madalas makikita ang ngiti sa mga labi ni Natalie. Kaya kung may gusto man na makita siyang ngumiti, mas mainam na puntahan siya sa ospital. Magaan lang talaga ang loob niya sa mga bata, lalo at alam niyang siya ang dahilan kung bakit gumagaling ang mga ito.

Sanay na rin siya sa mga iyak ng mga ito. Isa pa, ano lang ba ang atungal ng mga bata sa mga putok ng baril na naririnig niya palagi? Hindi hamak naman na mas pipiliin niyang makarinig ng mga iyakan kaysa putukan.

Pagkatapos mag-rounds ay dumeretso si Natalie sa cafeteria para kumain muna. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang may magsalita sa harap niya.

"Long time no see. How's Doctor Clawson?"

Nag-angat siya ng tingin sa boses na iyon.

Umupo ito sa katapat niyang upuan. "I'm doing good, Doctor Lucas."

He just shrugged at hindi na nagsalita. Ganoon sila kapag nag-uusap, paiksian ng sasabihin. Then she remembered something.

"I saw you last day sa gym with someone." With Yvonne, the bitch.

"Yeah? Someone is pestering me there." He seemed annoyed.

"Baka may HD sa 'yo."

"What?" kunot-noong tanong ni Steven.

"Hidden desire."

"She's showing her desire and she's proud of it." Dumating ang order nito at saktong paubos na ang iniinom niya.

"Paging Doctor Beatrice Clawson."

Nagkatinginan sila ni Steven nang pumailanlang sa buong lugar ang pangalan niya. Kinuha niya ang puting coat na nakasampay sa katabing upuan at tumayo na.

"See you around, Doctor Lucas," sabi ni Natalie at naglakad na papasok sa ospital. Gabi na pero hyper na hyper pa siya sa trabaho. Halos makalimutan na nga niya na may kakausapin pa siyang tao ngayon.

Pagkatapos puntahan ang isang pasyente ay dumeretso na siya sa sariling silid sa ospital. Tanging mga doktor lang ang may kanya-kanyang silid at ang mga nurse naman ay sama-sama sa isang headquarters. Inayos lang niya ang mga gamit at lumabas na ng gusali.

Sumakay siya sa black FJ Cruiser Toyota. Iyon ang sasakyan na ginagamit niya kapag sa ospital siya pupunta. Hindi kasi akma kung 'yong sports car ang dadalhin niya.

Lahat na yata ng sasakyan ay kaya niyang imaneho puwera lang sa eroplano. But Carlie knew how to maneuver a plane. Kahit anong sasakyan yata, mapahimpapawid o karagatan ay kaya nitong paandarin. Actually, sinabi na niya noon sa sarili na si Carlie ang pangalawa sa mga taong hinahangaan at nirerespeto niya. Pero never niyang sasabihin iyon sa hambog na iyon. Never.

Inihinto ni Natalie ang sasakyan sa isang tagong lugar na may iilang bahay lang. Doon ang kanyang lungga, sabi nga ni Carlie. Well, doon niya kasi ginagawa ang mga bagay-bagay na hindi puwedeng malaman ng iba.

EHS 5: His Mysterious WardWhere stories live. Discover now