CHAPTER 13

114K 3.5K 120
                                    

CHAPTER THIRTEEN


"SO TOTOO pala talaga?" tanong ni Natalie sa kausap. Panay ang sulyap niya sa screen ng kanyang laptop. Nagtatagis ang mga bagang niya tuwing nakikita ang mga larawang iyon.

"Nakikita mo na nga, ayaw mo pa ring maniwala." Puno ng pang-uuyam sa boses ni Carlie kaya naman ibinato niya rito ang binabasang libro tungkol sa Medisina. "Ano ba'ng balak mo diyan? I-send mo na kay Amber," utos pa nito, saka binuklat ang libro na ibinato niya.

Kahit mabigat sa loob ay nagawa pa rin niyang i-email sa kaibigan ang mga larawan ng taksil nitong kasintahan. Gumamit siya ng unknown email address. And after sending those freaking pictures to Amber, she blocked that address. 'Yong tipong bigla na lang mawawala ang ginamit niyang account. Kaya walang nakakaalam kung kanino nanggagaling ang mga impormasyon na ipinapasa niya gamit ang account na iyon.

Ano pa ba ang iba niyang matutuklasan sa mga taong ito? Para bang ang daming rebelasyon na magaganap sa hinaharap.

She turned off her laptop, saka hinarap si Carlie.

"I wanna go there." Sa Singapore. Nanggigigil kasi talaga siya. Sobrang bait ni Amber. Wala na ngang mapaglagyan ang kabaitan ng kaibigan niya pero bakit nagawa pa rin itong lokohin ni Clarkson?

"Isama mo na rin si Amber para magkaharap na sila ng karibal niya."

Nag-isip siya saglit. Isasama niya ang kaibigan pero dapat turuan niya itong manindak. Baka kasi away-awayin lang ito ng asawa ni Clarkson. Hindi puwede sa kanya ang ganoon. Dapat i-briefing niya si Amber.

"Maganda din iyang ideya mo pero—"

"Wala nang pero-pero." Tumayo na si Carlie at nagpaalam na.

Si Natalie naman ay humiga sa kama. Hindi na siya magtataka kung bukas na bukas lang ay makikita niyang umiiyak na si Amber. Akala niya noong una ay okay na ang lahat, walang problemang darating pero nagkamali siya. Kung paano mo madaling nakuha ang isang bagay ay ganoon din kabilis iyong mawawala sa mga kamay mo. Tulad na lang ng mga buhay-pag-ibig ng mga kaibigan niya. Ang dali-dali sa mga ito na nakasama ang mga lalaking mahal pero ganoon din kabilis mawawala ang mga lalaking iyon sa mga buhay ng mga ito.

Dumapa siya, saka ipinikit ang mga mata para lang muling idilat iyon dahil imahe na naman ni Scott ang lumabas do'n. Sigurado siya na ang lalaki ang nagpapadala ng mga flowers and chocolates sa ospital. Ano na naman kaya ang trip ng isang iyon? Madalas din itong nagte-text at tumatawag sa kanya. Minsan nga ay naiirita na siya sa kakulitan ng lalaki. Hindi naglalayo ang kakulitan nito at ng kaibigan nitong si Axer. Tanging sina Steven at Matthew lang ang mas trip niyang kausap dahil may sense kausap ang mga ito kaysa sa dalawa na puro babae lang ang bukambibig.

Pinilit niya na lang matulog at hindi na pinansin ang pagtunog ng cell phone. Malamang si Scott iyon. May duty siya kinabukasan at siguradong dagsa na naman ang mga pasyente niya kaya kailangan niya na talagang magpahinga.



BUSY ang utak ni Natalie sa pag-aasikaso ng mga batang pasyente nang may isang pamilyar na bulto ang umagaw ng pansin niya. Pinaikutan niya lang ito ng mga mata, saka muling ibinalik ang pansin sa huling pasyente niya sa araw na 'yon.

Kahit iyak nang iyak 'yong bata ay okay lang sa kanya. Ang mahalaga ay nakausap niya ang mommy nito sa mga dapat na gawin. Uso talaga ang ubo't sipon ngayon dahil na rin sa pabago-bagong klima. Naaawa nga siya sa iba dahil kahit sanggol ay hindi sinanto ng sakit na iyon.

"Salamat, Doc Beatrice," sabi ng ginang na kimi lang niyang nginitian bago umalis ng opisina niya.

Umubo-ubo si Scott kaya naman nilingon niya ito. "Ang galing mong umarte, dapat nag-artista ka na lang."

EHS 5: His Mysterious WardWhere stories live. Discover now