PROLOGUE

360K 5.4K 298
                                    

PROLOGUE

Flashback

"BITCH," mahina pero may diin na sambit ni Natalie sa kaharap na ngayon ay nagpupuyos sa galit.

"How dare—"

Tinakpan niya ng hintuturo ang bibig nito. "First, if you don't like to apologize about your clumsiness, that's fine with me. And second, bitch is my endearment to every woman like you so back off." Hinawi niya ito upang makadaan siya.

Magkasalubong ang dalawang kilay niya nang magtungo siya sa restroom. Natapunan lang naman ng alak 'yong blouse niya. Kapag nasalubong pa niya ang babae ay siguradong makakatikim ito sa kanya.

Lumabas siya ng restroom at kumuha ng isang glass of margarita sa dumaan na waiter. Tumaas ang isang sulok ng mga labi niya nang mahagip ng kanyang mga mata sa dance floor ang babaeng sumira ng gabi niya.

"There you are," usal niya.

Natalie wasn't the model type. Actually, she hated the thought of being very feminine. With her black boots and leather black jacket, naglakad siya nang walang pakialam kahit makabangga siya. Who cares? Kung sira na ang gabi niya, dapat sisirain din niya ang gabi ng sumira ng kanya. Ganoon siya kapatas lumaban.

Bahagya siyang tumabi sa kababaihan at kalalakihan na nagsasayaw. She loved to dance, lalo na kapag tipsy siya. Pero ilang baso pa lang ang naiinom niya ay nasira na agad 'yong gabi niya ngayon.

"Gorgeous," sabi ng guwapong lalaki na sinasabayan ang mga galaw niya.

He wasn't a pure Filipino, may lahi ito. Maybe Fil-Am, Fil-Aussie or Fil-British, hindi niya masabi ang lahi nito sa hitsura nito. But according to his accent, she distinguished what he was. Half British.

"I know," she said in a flirty way and snaked her hands to his nape. Nasa likuran kasi nito 'yong babaeng pakay niya. She could use this handsome man in front of her para hindi mahalata na sasadyain niya ang pagtatapon ng alak sa bitch na ngayon ay malanding nagsasayaw.

"Baby, step backward," malambing na utos niya para maisagawa na ang naglalarong plano sa isip.

Isang tili ang pinawalan ng babae nang itapon niya sa ulo nito ang wala pang bawas na margarita. May dumaan uli na waiter sa gawi niya at mabilis na naman siyang nakakuha ng isang baso ng malamig na tubig.

Wala pang isang segundo ay naibuhos na naman niya 'yon sa babaeng hinahanap ang nagpaligo rito ng alak at malamig na tubig. Sumiksik siya sa matipunong dibdib ng lalaking kaharap at ibinigay rito ang hawak na baso.

"What would I do with this empty glass?" he asked, chuckling.

She rolled her eyes. "Get another drink."

"You seem to be my boss, darling."

Lumayo siya rito at ngumisi. "I am the boss."

He moved closer and whispered using his husky voice. "I own this club and I don't like what you did to one of my women. You should pay."

Ngumiti si Natalie nang pagkatamis-tamis. "How much do you want?"

"I want you." At muli itong yumuko sa tainga niya. "You and your body."

EHS 5: His Mysterious WardWhere stories live. Discover now