CHAPTER 14

119K 3.2K 84
                                    

CHAPTER FOURTEEN

UMARKO nang pagkataas-taas ang isang kilay ni Natalie sa kaharap. Nagpapahinga na sana siya sa mga oras na iyon kung hindi lang siya kinaladkad ni Steven papunta sa isang restaurant. Mabuti na lang at wala masyadong pasyente kanina sa ospital kaya naman pinagbigyan na lang niya ang asawa ng kaibigan.

Malamang ay naaapektuhan din si Steven dahil bigla na lang itong nilayasan ni Elisse. Tanging siya at si Amber lang ang nakakaalam kung nasaan ang kaibigan nila.

Alam niya ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang kinaladkad ng lalaki sa kung saan. Gusto nitong malaman kung saan nagtatago ang kaibigan niya, pero nangako na siya kay Elisse na wala silang pagsasabihan kung nasaan ito. Papanindigan niya ang pangako. Walang mahihita na kahit anong impormasyon sa kanya ang guwapong doktor na kaharap niya.

Supladong guwapo is the right term.

Kahit anong pilit ni Steven ay hindi niya sinabi kung nasaan si Elisse. Hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang isa pang lalaki na papunta sa puwesto nila. Parang gusto na nitong tibagin ang sahig dahil halata naman na galit ito. Hinintay niya lang ang mangyayari. Hanggang sa suntukin na lang nito bigla si Steven.

Mahilig talaga siya sa action kaya medyo tuwang-tuwa siya sa nasasaksihan. Nagpupuyos sa galit si Axer at namumula na rin. Siguradong nalaman na nito ang nangyari sa bunsong kapatid nito at sa lalaking kaharap nila na sa mga oras na iyon ay sapo-sapo ang panga.

Siguro kung may kapatid lang siya at nalaman niyang nasaktan din ito, baka hindi lang suntok ang abutin ng lalaki. Torture ang gagawin niya hanggang sa magmakaawa ito. Mabuti na lang at wala siyang kapatid.

"Boys," tawag-pansin niya sa dalawa.

Sabay napalingon sa kanya ang mga ito.

She raised her hands. "Can I leave now? I think, okay naman na." She motioned her head to Steven. "Hurt her and I will kill you," paninindak niya.

"It wouldn't happen. And no, you cannot leave yet. I have something to deal with you."

She rolled her eyes. Mauubusan na siya ng pasensiya. "Ano na naman iyon? Sabihin mo na, bilis, para makauwi na a—"

"Let's make her jealous. I want to know if she still loves me at kung hindi na, papaibigin ko siya uli."

Gustong matawa ni Natalie sa sinabi ni Steven. Seriously? Ang korni n'on sa pandinig niya. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal?

Si Axer ay tahimik lang habang nagte-text. Siguro babae na naman iyon. Baka si Hillary Thompson.

"So, what's the plan?" she asked.

Lumapit si Steven sa kanya at bumulong. Si Axer ay nakisali na rin. Kusang namilog ang mga mata niya sa plano ni Steven.

"No! Ayoko! Elisse will kill me!" mariing tanggi niya.

"Kami ang bahala sa 'yo. Just stick to the plan. Para din naman ito kay Elisse." Sa tono ng pananalita ni Axer, parang seryoso talaga ito, pero alam niyang hindi kasi nakangisi ito. Gusto na namang pagtripan ang kapatid pero galit na galit naman kapag may nanakit kay Elisse.

She sighed. "Deal." Inilapat niya ang isang kamay sa mesa bilang pakikiisa sa plano.

Ipinatong din ng dalawa ang kamay ng mga ito sa kamay niya at sabay na nagsalita. "Deal!"

Para sa kaibigan, sisikmurain na lang niya ang gagawin nilang pagpapanggap ni Steven. Pero alam naman niya sa sarili na mahal pa rin ni Elisse si Steven. Dahil isa siya sa naging saksi kung paano lumalim ang nararamdaman nito na dati ay paghanga lang sa guwapong doktor.

EHS 5: His Mysterious WardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon