TWENTY TWO..

16.3K 253 9
                                    

CHAPTER TWENTY TWO..

KAI'S POV 

Kakahatid ko lang kay Girlfriend dun sa room niya. Papunta ako sa office ni dad ngayon, magtatanong ako ng details about sa perfect date namin ni girlfriend. Mahal ko si girlfriend eh kaya gusto ko na maging perfect yung date namin. Totoo yung nararamdaman ko para sa kanya, siya na nga yung nakikita ko na makakasama ko habangbuhay eh.

"Nandyan si dad?" Tanong ko dun sa secretary niya.

"Yes sir. Pero may kausap pa po siya."

 

"Sino?"

 

"Si Ms. Laureen Cortez po." Bakit kausap ni dad si girlfriend? Papasok na lang ako para malaman ko.

Pero papasok pa lang ako, narinig ko na yung pinag-uusapan nila kaya nakinig muna ako sandali. 

"I just want to congratulate you, our deal was successful." Sabi ni dad. Bakit niya cino-congratulate si girlfriend?

"Di ko po kayo maintindihan sir." Girlfriend.

"Napatino mo si Kai. Sabi na nga ba kaya mong patinuin yung anak ko eh, so since successful yung ginawa mo it's my turn to pay for your hardwork." WHAT?! Anong ibig sabihin ni dad? Napatino ako ni girlfriend? Pay for her hardwork? Hindi ko sila maintindihan. Hindi naman nagsasalita si girlfriend. "I'll give you time to think kung anong gusto mong kapalit." Kapalit? Anong kapalit?

Hindi na ako tumuloy, umalis na din ako at pumunta sa garden. Di ko maintindihan yung pinag-uusapan nila eh. Naguguluhan ako. Pumunta ako sa garden, pero bago pa lang ako makaupo sa may puno may narinig na naman akong nag-uusap.

"Oo. Niloloko lang ni Laureen si Kai." Hindi ko kilala yung boses, pero boses babae. "May deal daw si Laureen at si Mr. Kim na patinuin si Kai, at kapag nagawa yun ni Laureen bibigyan siya ng reward ni Mr. Kim. Uy basta bestfriend wag mo ipagsabi yun ah, pinagkakatiwalaan kita....." umalis na naman ako dun after ko marinig yung usapan nung babae. Malinaw na sakin lahat. Malinaw na sakin na niloloko lang ako ni Laureen.

Naglalakad ako sa hallway nung makita ko siya. Niyakap niya ako bigla, pero di ako umiimik. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero mas nangingibabaw yung sakit at galit.

"So niloloko mo lang pala ako." Sabi ko.

Kumalas siya sa pagkalayakap sakin, halatang nagulat siya sa sinabi ko, "What do you mean?"

I smiled at her, bitter smile,"At nagmaang-maangan ka pa. Narinig ko yung pinag-usapan niyo ni Dad. So all this time lahat ng ginagawa mo eh para sa deal niyo ni dad."

Bakit di ka magsalita ngayon? I need your fucking explanation, RIGHT NOW!

Napa-facepalm siya, "Fuck Laureen!!! Ano bang ibibgay sayo ni Dad huh? PINILIT KONG MAGBAGO PARA SAYO. NAGPAKATINO AKO TAPOS IKAW PALA TONG MANLOLOKO!!!"

TANGINA!! MAGSALITA KA! GUSTO KITANG INTINDIHIN PERO PAANO KO GAGAWIN YUN KUNG DI KA NAGPAPALIWANAG.

"ANO??!! WALA KA MAN LANG BANG SASABIHIN?!! PUTANG INA!!" iniwan ko na siya dun, mukha namang wala siyang balak magsalita eh.

Nagdrive na lang ako papuntang condo. Hindi na ako papasok sa klase wala din namang papasok sa utak ko niyan eh. Habang nagdadrive, di ko napansin na may pumatak na luha sa mata ko.  

Hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun ni Laureen. 

Bakit kung kailan ako nagmahal, kung kailan ako nagseryoso tsaka pa ako lolokohin? 

Ito na ba yung kapalit sa lahat ng ginawa kong panloloko ng mga babae? Ang lokohin ako ng taong mahal ko? 

Fuck!! Shit!! Ganito pala pakiramdam ng naloloko!! 

Imbis na sa condo, sa bar ako dinala ng kotse ko. Uminom lang ako ng uminom. Gusto kong mawala yung sakit. Hindi ako dapat nasasaktan eh. Babae lang yan. Si Kim Jong In ako, hindi umiiyak dahil lang sa isang babae.

"Hi, Kai!" Sabi nung babaeng di ko kilala na nasa tabi ko. Hindi ko siya pinansin. Nahihilo na ako eh tsaka Wala akong panahon makipaglandian sa kung kanino.

Hinila niya ako sa kung saan, pagkatapos nun wala na akong matandaan. Nagising na lang ako, may katabi akong babaeng di ko kilala.

Shoot!! Bakit ako nandito? Anong ginawa sakin ng babaeng to? Bakit wala akong matandaan?  

Kinuha ko yung phone ko para tingnan yung oras. Fuck! 12:30 pm na. May 5 missed calls galing kay dad at 26 naman naa galing kay Laureen. 1 text message from dad at 38 text message galing kay Laureen.

From: Dad 

Where are you? Pumunta ka sa office tomorrow 3:00 pm, I have something to tell you.

Ano na naman bang kailangan nitong si dad? Hindi ko na binasa yung text ni Laureen.  

Umalis na ako sa lugar na yun na hindi man lang ginigising yung babae. Bahala siya sa buhay niya. 

Sumaglit lang ako sa condo para maligo tsaka pumunta sa office ni dad.

his game :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon