TWENTY FIVE..

17K 279 24
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE..

Laureen's POV 

Wedding day namin ni Kai, pero hindi ako ganun kasaya. Hayys!! Paano nga naman ako magiging masaya kung galit siya sakin diba?

"Wow! You're so beautiful Miss Laureen! For sure maiinlove sayo lalo yung mapapangasawa mo." sabi nung make up artist kong bakla habang ginagawa yung mga final touches sa make up ko.

Maiinlove? Imposible. I gave him a weak smile.

*KNOCK KNOCK* 

Tsaka pumasok si mama at papa sa loob.

"Wow!! Ang ganda naman ng anak ko. Parang kailan lang maliit ka pa tapos ngayon magiging misis ka na." sabi ni Mama na medyo teary-eyed na.

"Ma, wag ka ngang umiyak baka maiyak din ako." sabi ko at tsaka niyakap si Mama.

"Be a good wife, Laureen." Sabi ni Daddy at tsaka yumakap din samin ni mom.

"Opo." Gusto kong maiyak sa harap ng parents ko, maiyak dahil sa nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sabihin sa kanila kung gaano ako nasasaktan sa mga oras na to, pero alam kong hindi pwede at may parte sakin ayokong sabihin dahil alam kong pag nalaman nila na galit sakin si Kai iuurong nila tong kasal.

"Oh sige na. Magready ka na. Hihintayin ka na lang namin sa kotse." sabi ni mama at tsaka lumabas.

Nung lumabas sina mama, tinapos na nung make up artist yung pagme-make up at tsaka iniwan ako dun sa kwarto para makapagpalit ng wedding gown ko. 

Nung makapagpalit ako, tiningnan ko sa salamin yung itsura ko. Okay naman. Maganda nga ako ngayon, pero parang may kulang, yung happiness wala.

Sumakay na ako sa bridal car. Pagdating ko sa simbahan, inayos na yung pila ng mga sponsors. Di ko pa nakikita si Kai.

(Play youtube video ----> ) 

Nagsimula na silang maglakad, hanggang sa dumating yung turn namin nila mama at papa. Ang daming petals sa carpet na nilalakaran namin. White and silver yung motif, kaya syempre lahat ng tao dun white or silver yung suot. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan. 

Ang daming tao. Lahat nakatingin sa amin. Hindi ko na nga kilala yung iba eh.

Words nothing but words
For me to show
How much my love for you unfolds
Through trouble and fears
This love feels so real

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now