THREE..

26.2K 389 36
                                    

CHAPTER THREE..

Laureen's POV

Lololololol!! Sunday ngayon, kaya walang pasok. Hooooo!! Makakapagpahinga na rin ako. Ang hirap kaya mag-aral.

Kinuha ko yung notebook ko. Hilig ko kasi magsulat ng kung ano ano kapag wala akong ginagawa. Usually mga sports article, gusto ko kasi maging writer sa isang sports magazine after graduation.

"Laureen! May bisita ka!" Sigaw ni mama mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Paakyatin mo na lang po." Si Zaira o Megan lang naman yan. Sila lang naman ang mahilig pumunta dito sa bahay eh. Pinagpatuloy ko na yung pagsusulat ko. Tumabi siya sakin sa kama. Nakadapa kasi ako habang nagsusulat. "Ano na namang kailangan mo? Magkasama na nga tayo buong linggo eh." At ang loka di sumasagot. "Wag mo akong istorbohin ah busy ako."

"MotoGP? Bakit mo sinusulat yan, baby?" Boses lalaki. Di na ako lumingon, alam kong si Kai to.

"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman na taga dito ako?" Sinasanay ko nang umakto ng normal pag nandyan siya.

"Di mo man lang ba ako babatiin, baby? Tsaka masama bang puntahan ko yung girlfriend ko?"

Tumingin ako sa kanya, umupo ako at tinabi muna yung sinusulat ko. "Hi!! Welcome baby ko!! Oh ano pwede na?" Tss. Sapakin ko to eh.

Nginitian na naman niya ako nang nangaakit, "Ang kulit mo talaga baby. Date tayo mamaya."

 

"Bakit? Saan?"

 

"Basta ako bahala. Basta sunduin kita ng 7."

 

"Pano kung ayoko?"

 

"Bawal tumanggi. See you later." Tapos hinalikan na naman niya ako sa lips at tsaka umalis.  

Tangina nun!! Namumuro na yun ng kakahalik ah!

Pumasok naman sa kwarto ko si mama, "Sino yun? Boyfriend mo?" Hala!! Patay ako nito!

"Ah opo...."

 

"Gwapo ah. Pano mo yun nahuli? Ginayuma mo noh?"

 

"Ma! Di ah. Wala ka bang tiwala sa alindog ko? Ah nga pala aalis po kami mamayang 7."

 

"Okay."

7:00 PM

Nakasakay ako sa kotse ni Kai. Diba nga may date DAW kami. Saan naman kaya ako dadalhin nito?

"Saan ba tayo pupunta huh?"

 

"Basta malapit na tayo, baby." Ayun drive siya ng drive hanggang sa makarating kami sa Republiq.

"Anong ginagawa natin dito? Dito yung sinasabi mong date?" Haays! Ano pa nga bang aasahan ko sa taong to? Romantic date? Malamang sa club to nakikipagdate.

"Yes, honey." Tungunung endearment yan! Baby tapos ngayon Honey. Hinawakan niya ako sa waist tsaka pumasok sa loob. Tsk tsk! Matatanga ako dito. Hindi pa naman ako pumupunta sa mga ganito.

"Huy. Uwi na lang tayo."

 

"Don't worry akong bahala sayo." Kahit madilim alam kong nakangiti tong taong to. Nakakita ba naman ng magagandang babae eh. Umupo kami katabi yung mga barkada niya yata na may mga kasama ring babae.

"Woah! Kai, new playmate?" Tanong nung isang lalaki.

"Yeah." Tsaka siya tumingin sakin at ngumiti ng nakakaloko, "Drink?" Tapos inaabot niya sakin yung baso ng tequilla.

Kinuha ko naman yun at tsaka inisang lagok. Tapos nanghingi pa ako ng nanghingi hanggang sa di ko namalayan nakarami na pala ako. Medyo hilo na nga ako eh. Di ko na alam yung ginagawa ko. "Tara sayaw tayooooo!" Hinila ko si Kai sa dance floor. 

Wooooo!! Sayaw!! Sayaw kami ng sayaw. Nakatalikod ako kay Kai, magkadikit yung mga katawan namin kaya dama ko ano niya sa pwetan ko. Yung kamay naman niya nasa waist ko. Giling lang kami ng giling, basta parang wala na ako pakialam sa ginagawa ko. 

Kinagat niya yung tenga ko, kaya parang uminit yung buong katawan ko. Humarap ako sa kanya, pinulupot ko yung braso ko sa batok niya, siya naman nakahawak pa rin sa waist ko. Ang wild na nung pagkakasayaw namin. Sobrang magkalapit talaga yung katawan namin.

"I want you, honey." Bulong niya sa tenga ko. Nagtayuan naman lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang hinalikan. Nung una nagulat siya kasi di kaagad siya nagrespond, pero nung nagtagal nagiging wild na rin siya. Palalim ng palalim yung halik. Yung kamay niya kung saan-saang parte ng katawan ko nakarating. "Not here,baby." Tapos hinila niya ako palabas ng club.

A/N: Next chapter will be their BS. 

XOXO

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now