Kamanyakan 3.2

23.3K 507 27
                                    

Faith's POV

NALUKOT ANG MUKHA ko nang makita ko ang mga picture ni Sir Paminta. International car racer pala si Sir? And, teacher siya? Woah. Sa edad niyang 'yon, gano'n na karami ang na-achieve niya? Sa tingin ko, wala pang thirty si Sir pero napakarami na niyang na-achieve sa buhay.

Nasa living room ako at inaayos ang mga displays doon. Naisip ko na ring isa-isahing tingnan ang mga picture frame na naglalaman ng pictures ni Sir Paminta at ng pamilya niya. Nako-curious kasi talaga ako.

Hindi ko lubos-maisip na ngumingiti pala siya. Sa mga pictures niya kasi, napakalapad ng mga ngiti niya na lalong nagpapasingkit sa singkit na niyang mga mata. The more he smiles, the more he becomes a greek god.

Naagaw ang antensyon ko ng isang picture. Wala sa sariling dinampot ko iyon at pinakatitigan. Si Sir Rupert iyon. Panalo siya sa car racing dahil dala-dala niya pa ang trophy na may nakalagay na "Champion." Oy, kahit medyo tanga 'ko marunong akong magbasa ah. Nakayakap sa kanya noon ang isang babaeng ubod ng ganda. Maputi ang babae, sexy, parang diyosa ang maamong mukha at hanggang bewang ang straight na buhok.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis nang mga sandaling iyon. Ewan ko ba. Mukhang bagay naman sila dahil sobrang gwapo ni Sir Paminta at ang ganda naman nu'ng katabi niya. Girlfriend ba ni Sir itong babaeng 'to?

'Sus. Mas maganda pa rin ako.

"May nakakatagal pala sa 'yong kumag ka," bulong ko habang titig na titig pa rin sa picture na hawak ko. Dinuro-duro ko pa ang mukha ni Sir Paminta. "Ang sama-sama ng ugali mong paminta ka. Budburan kaya kita ng asukal sa mukha para mabawasan 'yang pagiging masungit mo. Bitter ka. Para kang nanguya ng ampalaya. Chakarurat ka. Assumero. Mukha kang sumasabog na bulkan," nagngingitngit kong sabi sa picture habang dinuduro ang mukha ng amo kong siraulo.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ay paminta!" wala sa sariling nasabi ko dahil sa sobrang gulat nang makarinig ako ng isang seryosong boses mula sa likuran ko. At dahil sa sobrang gulat, muntik ko nang mabitawan ang picture. Mabuti na lang at nasalo iyon ni Sir Rupert-slash-Sir Paminta.

Medyo kinabahan ako nang mga oras na iyon. Lalo na nang makita ko ang matatalim na tingin ni sir matapos niyang makita kung anong picture ang hawak ko. Nagtatangis ang mga bagang niya at para siyang mangangain nang buhay.

"What are you doing?" tanong niya ulit. In fairness, English na 'yung question niya this time. Rich kid talaga. In-English lang 'yung tanong niya kanina.

"Nag... Naglilinis?" parang tangang sagot ko sa nagtatanong na tono. "Kanina pa po kayo diyan, Sir? Bakit hindi ko po namalayan?"

Ibinalik niya ang picture frame sa pinagkuhanan ko. Pagkatapos ay muli niya 'kong binalingan. "Then why are you oggling at this picture, bitch?"

"Anong 'bitch'? Iritado kong ulit sa huling word na in-address niya sa 'kin. "Hindi ako bitch, Sir. Hindi pa summer kaya wala kang makikitang bitch dito. Nasa Baguio ka po."

Napapikit nang mariin si Sir, halatang badtrip na badtrip na sa 'kin. "Can you please just go to your room and rest your freezing brain?" aniya habang nakapikit pa rin.

Hindi ko maiwasang mapalunok habang nakatitig ako kay Sir. Grabe. Ang hahaba ng mga piikmata niya. Ang tangos ng ilong niya. Ang kapal ng mga kilay niya. At ang pula-pula ng mga labi niya. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Ang lean at fit ng katawan niya. Hindi super macho na parang si Johnny Bravo pero hindi rin payat. Napakaganda ng proportion ng body niya. And he's freaking hot.

Yummy.

Marahas akong napailing sa kalandiang naisip ko. Grabe. Feeling ko na-trigger ang kalandian ko sa katawan magmula nang makita ko si Sir. At, ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan.

Hindi ko alam na nakadilat na pala si Sir kaya nakita niya ang naging pag-iling ko. Kumunot nang husto ang noo niya.

"Sa'ng kweba ka ba galing?" iritado niyang tanong sa mataas na tono. Naka-crossed arms na naman siya gaya ng lagi niyang ginagawa.

Tumingin ako sa kisame at with matching lagay ng hintuturo sa baba para kunwari ay mag-isip. "Uhmmm. Sa Cavite po?"

"Damn it!" asik ni Sir. "Du'n ka na nga sa kusina! 'Wag mong sirain ang araw ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ka ba kinuha ni mommy. You freaking witch."

"Witch? 'Yun po ba 'yung kanta ni Alden Richards? Witch I may, witch I might?" nakangisi kong tanong. Nang makita kong hindi man lang lumabas ang ni isang ngipin ng ulupong na kaharap ko sa joke na binanggit ko ay ngumuso na lang ako. "Okay, corny. Sige po, aalis na po," magalang ko pa ring sagot. Oh bakit? Artista 'to huyyy.

Naglakad ako palayo kay Sir. Pero hindi pa 'ko nawawala sa paningin niya ay lumingon ulit ako. "Sir, juice gusto niyo po?" nakangisi ko pang tanong.

Sir just rolled his eyes kasunod ng isang marahas na pag-iling. "Just get out of my sight."

"Sige, Sir. Enjoy the moment. Adios!" saad ko saka nagpabebe wave.

Tumalikod ako at palihim na tumawa. 'Kala ng pamintang 'yon ha!

Ang Maid Kong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon