Chapter 3.1

21.2K 495 12
                                    

Faith's POV

You're on your knees begging "please stay with me..."

But honestly I just need to be a little crazy

All my life I've been good but now,

I'm thinking what the hell!

All I want is to mess around

And I don't really care about

If you love me, If you hate me

You can save me, baby baby

All my life I've been good but now,

What the hell~

"Ayan... Kawawa naman kayo," sabi ko pagkatapos kong kantahin ang "What The Hell" ni Avril Lavigne. "Andito na si mommy, 'di ko na kayo pababayaan. Stay healthy na ha?"

Nandito ako ngayon sa front garden at busy sa pagdidilig sa mga halaman. Sinamahan ko na rin 'yun ng pagtatanggal ng mga tuyong dahon para magmukhang fresh na fresh ang mga baby ko.

Actually, hindi lang 'yon ang gagawin ko para sa umagang 'yon. Tapos na 'kong magluto ng almusal namin ng pogito kong amo at maghugas ng mga hugasan na hindi ko alam kung kailan pa ginamit ni Sir Rupert. Napakagastos niya sa hugasin ah.

Kailangan ko pa nga palang magluto ng makakain para kay Sir. I mean, sa 'ming dalawa. S'yempre hindi naman siguro ako robot para 'di kumain, 'di ba? Mamaya siya ang i-grab ko kapag hindi ako nakakain sa oras. Chos.

Anu-anoo pa kayang kinakain ni Sir Paminta? Hindi naman siguro siya mapili. Bahala na. Kung ano na lang makita kong pwedeng lutuin sa ref. Mula nu'ng nagdaang gabi ay sinimulan ko na siyang ipagluto. Hindi naman siya kumikibo sa mga luto ko. Hindi na rin naman ako naghahanap ng kahit anong word galing sa kanya. Wala akong pake kahit lasang-kanal ang mga iniluluto ko para sa kanya. Eh sa ayaw akong kausapin eh. Hinihintay ko na lang siyang kumain at pagkatapos no'n ay saka naman ako kakain.

Siguro, magluluto na lang ako ng chicken adobo. Na-miss ko na ring magluto ng gano'n sa bahay. Nu'ng nawalan kasi ako ng trabaho ay ako ang naging dakilang cook habang callcenter agent naman si Fionna at estudyante naman si Felicity. Pero s'yempre, nilagang gulay naman ang niluluto ko para kay mama. Hindi kasi siya pwede sa kahit anong mamantika.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang mapansin kong lumabas si Sir Paminta at dumiretso sa garahe. Mukhang aalis siya. Mabilis naman akong sumunod habang hawak-hawak ang lagadera na halos wala nang laman.

"Sir, aalis po kayo?" nakangiting tanong ko. "Saan po kayo pupunta?"

Tinapunan lang ako ng isang cold stare ni sir.

Aw. Seen.

Echusero 'tong puting pamintang 'to. Sampalin ko kaya 'to?

Ngumiti pa rin ako. "Sir, ano pong gusto niyong kainin? Ipagluluto ko po kayo para ready na kapag umuwi kayo."

Bumuga siya ng hangin at nag-cross arms sa harap ko. Iyon yata ang paborito niyang gawin. Well, bagay naman dahil ang pogi-pogi niya pa rin kahit nagsusungit siya.

"Cook anything you want. Hindi ako kakain dito. Kumain ka mag-isa mo. And let me just remind you na katulong ka rito at hindi mo obligasyong tanungin kung saan ako pupunta."

I secretly gritted my teeth. Gago 'to ah! Kung 'di ko lang talaga kailangan ng trabaho, babanatan ko 'tong pamintang 'to. Kung anong iginuwapo ng mukha ay siya namang isinama ng ugali.

Hellooooow? Bilin kaya ng nanay mo na alagaan kitang punyeta ka?!

Huminga na lang ako nang malalim at pinilit kong i-plaster ang ngiti sa mga labi ko. "Okay po, Sir. Ingat po kayo."

Tumalikod ako matapos kong sabihin ang kaplastikang iyon. Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ko. Actually, kanina pa gustong mawala ng ngiti na 'yon. Pagkatapos kong humakbang ay bumulong ako. "Maligaw ka sana."

"Excuse me?"

Mabilis akong lumingon at ngumiti. "Wala, sir. Iniisip ko po kung anong lulutuin ko."

Imbis na patulan pa 'ko ay itinuro na lang ni sir ang malaking gate. Sinenyasan niya 'kong buksan iyon. Tumango naman ako, inilapag ang hawak kong lagadera sa gilid at mabilis na tumakbo patungo sa gate. Kung hindi ko lang amo ang nanay nito ni Sir Paminta, nunca kong susundin ang mga utos na kaya niya namang gawin. Baka ipalo ko pa sa kanya 'yung gate nila. Kainis.

In fairness, hindi pala talaga madaling maging katulong. Kahit iisang tao lang ang kasama ko, kahit nand'yan naman ang lahat ng mga materyal na bagay na kailangan, kahit hindi naman masyadong palakibo 'yung pinagsisilbihan ko. Hindi talaga madali. Kaya naman saludo ako sa mga taong nagtitiis na maging katulong para lang sa maliit na mahalaga.

Naks. Feeling makabayan level 9999 ako. Okay, abangan niyo ang speech ko. Aagawan ko ng mic 'yung Presidenteng hindi pa rin nagpapasagasa sa LRT hanggang ngayon sa kabila ng pangako niyang magpapasagasa kapag hindi natapos 'yung proyektong ipinagmamalaki niya. Charorot. Hahaha.

Nang mabuksan ko ang gate ay nakasakay na pala si Sir Paminta sa kotse niya. He drove his way out of the mansion. Medyo kaskasero siya, or was it just because of his sports car? Sinundan ko naman ang sasakyan niya ng isang naniningkit na tingin kasabay ng panunulis ng nguso.

"Akala mo naman kung sinong diyos," nakapamaywang ko pang sabi. "Kung ako ang magiging girlfriend no'n, sigurado akong susuko ako sa ugali nu'ng pamintang 'yon."

Natigilan ako sa sinabi ko. Bakit parang gusto ko 'yung thought na "girlfriend niya"? Matagal na 'kong walang love life. College pa 'ko nang huli akong magka-boyfriend. Pero matapos ko siyang makitang nakikipag-Harlem Shake sa ibang babae sa mismong condo niya, hindi ko na ulit pinangarap pang maghanap ng lalaking mananakit lang ulit sa puso ko. At saka isa pa, ipinagdasal ko na sa Quiapo na sana mabaog siya at maubusan ng sperm. Hinayupak siya.

At imposibleng si Sir Paminta ang magustuhan ko. Hindi 'yung gaya niya 'yung type ko. Gusto ko 'yung moreno, samantalang parang labanos ang kutis ni sir. Gusto ko ng sweet at mabait, samantalang para siyang laging nagwawalang dragon. Hindi ko rin papangarapin ang tulad ni sir dahil aware ako na mayamang-mayaman ang pamilya niya. Hindi naman ako ambisyosang frog na maghahangad ng isang mayamang nilalang. Sa Wattpad lang uso 'yon. Sa totoong buhay, ang mayayaman ay para sa mga kapwa nilang mayayaman. Ang mga average na gaya ko ay dapat lumagay sa lugar niya. Pero maganda pa rin ako. Kahit anong mangyari.

Ah ewan. Whatever.

Isinara ko na ang malaking gate. Pagkatapos ay tumalikod na 'ko at tinungo ang iniwan kong lagadera. Nagugutom na 'ko. Magluluto na lang ako ng corned beef. Ako lang namang mag-isa.

O pwede ring chickencurry? Maubos nga 'yung laman ng ref nila. Mwehehehe.

Ang Maid Kong ManyakWhere stories live. Discover now