Chapter 2.2

22.7K 521 40
                                    

Faith's POV

"MA?! YOU THINK I need somebody in this house? I can live on my own! Kaya ko nga pinaalis ang mga katulong at guard dito, pagkatapos ay magpapadala kayo ng isang babae out of nowhere just to be my so-called companion?" litanya ng lalaking nagpapalakad-lakad sa harap ko. "Do you really want me to die?"

Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa may living room at gulung-gulo habang pinapanood 'yung lalaking nakikipag-usap sa phone. Hindi ko kasi alam na naroon pala ang anak ni Miss—ay, Madam Clarisse pala. Hindi pala siya Miss.

Napasinghap ako nang lingunin ako ng lalaki at bigyan ng masamang tingin habang hinahaplos-haplos at hinihilot ang balikat niya.

Napalunok ako. Kanina kasi, sa sobrang gulat ko ay bigla ko siyang sinipa sa binti at tinadyakan sa balakang. Pagkatapos no'n ay hinawakan ko pa ang mga braso niya at inikot para masiguradong hindi siya makakalaban. Plano ko pa sana siyang gulpihin kung hindi lang siya sumigaw ng "What the hell do you think you're doing?! Argggh! Trespassing ka. How dare you entered our house!"

Nag-peace sign ako and I muttered the word "sorry" pero inirapan niya lang ako.

Hey, bakla ba siya? Eew.

"You can't have her here, 'Ma. She would kill me. She would break every bones I have. Paalisin mo na nga 'tong babaeng 'to. Please, Ma. You know I'm okay," may himig ng pagmamakaawang sabi ni kuyang paminta sa mommy niya.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nitong maputlang pamintang nasa harap ko. Maraming naglalaro sa utak ko. Palalayasin ba kaagad ako? Hindi pa nga 'ko nakakapagsimula, tsugi na agad? Aba. Ni hindi ko man lang nabawi ang binayad ko roon sa shungang driver ng taxi na sinakyan ko.

"Ma..."

Napatitig na lang ako kay paminta. Actually, hindi naman siya mukhang bading. Lalaking-lalaki siya. Matikas ang tindig niya. Maayos ang pagkakagupit ng buhok niya kahit may bangs siya na parang kay Matteo Do ng My Love From The Star. Bawat kilos niya, mababakas mo ang pagiging isang hot guy niya.

At... Saksakan siya ng gwapo! Panalong-panalo ang eyelashes niya, ang ilong niya at ang mga labi niyang parang ready laging makipag-rock and roll. Para siyang tubig sa gitna ng disyerto. Isa siyang malaking kasalanan para sa mga may jowa at asawa na. Isa siyang masarap na lollipop. Charot.

Naaasar lang talaga ako sa pag-irap niya sa 'kin kaya paminta ang tawag ko sa kanya. Mas mataray pa siya sa 'kin! Isa pa, hindi ko naman alam ang pangalan niya. Hindi ko mamu-murder ang pangalan niya kaya babansagan ko siya sa kung anumang gusto ko. Hindi niya naman alam eh. Bakit ba?

"Angel? Sinong anghel ang babali sa buto ng amo niya?" nagngingitngit pa niyang sabi with matching pa-handsome hagod pa sa bangs.

After ng 10 million years na pakikipagtalo sa nanay niya ay mukhang sumuko na si paminta. Naiinis na inabot niya sa 'kin 'yung phone. Uy, iPhone 6.

"Talk to my weird mother," utos niya.

"Hello, weird mother?" parang tangang ulit ko naman sa huling tawag nu'ng paminta niyang anak kay Madam Clarisse nang itapat ko sa tenga ko 'yung phone.

Pinandilatan ako ng mga mata ni paminta pero tumawa naman mula sa kabilang linya si Madam.

"Faith, hija, I'm so sorry. Hindi ko binanggit sa 'yo na nand'yan ang unico hijo ko. I planned that so you two could have a surprising moment together, pero mali yata ang ginawa ko." Tumawa ang ginang kaya tumawa na rin ako kahit hindi ko makita kung nasa'n 'yung joke doon. Corny 'to si madam eh.

"Sana mag-stay ka pa rin diyan. Ang Sir Rupert Matthew mo lang naman ang makakasama mo. He would treat you nice. Just look after him and do the daily routines and be his personal maid. Please, Faith. And don't worry about the payment. I'll double it. Just stay," mahaba pang paliwanag ni Madam Clarisse na ikinagulat ko.

Ah, so Rupert Matthew ang pangalan ni paminta.

Teka. Hindi naman kailangang mag-offer nang malaki sa 'kin. Hindi naman ako artista na may gano'ng TF.

"Nako Madam, hindi na po kailangan pang—"

Pinutol niya ang kung anumang sasabihin ko. "Just accept my offer. I'm willing to pay the necessary wage you need. Just stay with my son."

Napaisip ako. Bakit ba gustung-gusto niyang mag-stay ako sa mansyon nila? Retarded ba 'yung Rupert Matthew na 'to?

Disabled?

O 'di kaya... O 'di kaya rapist siya?

Aba. Hindi naman siguro. Dahil kung rapist siya, mauunahan pa siyang mabalian ng buto bago niya makuha ang puri ko. Blackbelter ako sa Taekwondo. At hindi dahil gwapo siya, makakaligtas na siya sa bagsik ng mga paa ko.

Isa pa, mukhang 'di niya naman 'yon gagawin. I'm sure na iniinda niya pa rin ang mga pinaggagawa ko sa kanya kanina. Halos kainin na nga 'ko nang buhay ng walanghiyang paminta na 'to eh.

"Kailangan ko po ng trabaho, Madam. So tatanggapin ko po. Pero hindi niyo naman po kailangang lakihan nang husto ang sahod ko. Katulong lang naman po ang magiging trabaho ko. Next decade ko pa po balak sundan si Maine Mendoza" saad ko naman na ikinatawa ulit ni Madam. Luh. Tawa-much lang?

Isa pa, mukha namang cassanova 'tong anak ni Madam Clarisse. I doubt na kailangan niya pang mang-rape. Siya 'yung tipo ng lalaki na lumabas lang ng bahay ay siguradong hahabulin na ng mga malalanding babae sa mundo. For sure, siya pa ang oofferan ng mga iyon.

And, ano ba'ng pakialam ko? Hindi naman ako nabuhay para maging tagasunod lang ng mga feeling poging nilalang sa mundo. Wala akong pakialam. Trabaho ang kailangan ko. Trabaho para mapag-aral ang bunso namin at maipagamot ang mama ko.

Nakita ko kung paano nagdilim ang mukha ni Pamint—err, Sir Rupert nang marinig niya ang pagpayag ko. Nakatayo lang siya at naka-crossed arms pa sa harap ko. In fairness, ang guwapo niya nga. Nakasuot lang siya ng simpleng walking shorts and sweat shirt, but his oozing sex appeal could still buy any woman he want. God made him perfectly. Those piercing eyes, those perfetly-made lips, those thick eyebrows...

Teka, ano nga ba ulit ang pakialam ko?

Erase, erase.

Grabe naman kasi. Siya ba talaga 'yung hinawakan ko kanina? 'Yung inakala kong magnanakaw? Kung alam ko lang na ganyan pala siya kaguwapo at ka-hot, dapat niyakap ko na rin siya kanina para naka-tsansing man lang sana 'ko. Nakapa ko man lang sana 'yung mga pandesal niya.

Welll, uhm... Nu'ng pinilipit ko 'yung braso niya, naamoy ko na kaagad na mabango siya. Mygas. Amoy-baby siya. As in!

Arrrrrggghh! Ano ba! Alam ko namang malanditer ako. Pero kelan pa ba 'ko naging pervert sa amo ko? At sa lalaking kasingsungit talaga ni Sir Rupert?

Erase ulit, Faith. Eraseeeeeeeeeee!

Nag-peace sign na lang ako kay Sir Rupert pero lalo lang siyang nagmukhang galit. Ipinaglihi ba sa sama ng loob 'tong lalaking 'to? Ako na nga ang nagpapa-cute eh! Pigilan niyo 'ko, sasampal-sampalin ko 'to!

"So, magsisimula ka na ba talaga?" paniniguro ni Madam Clarisse. "There's no turning back now, Faith."

"Opo! Hindi po ako aalis. Magtatrabaho po ako rito hangga't gusto niyo, Madam. Promise!" sagot ko naman. Nilakasan ko talaga ang boses ko para iparinig kay Sir Rupert na hindi ako aalis at kailangan niya 'kong pagtiisan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Mwahahahaha.

Kahit hindi ako nakatingin ay naulinagan ko pa rin ang pagpalatak niya. Gusto kong humalakhak nang mga panahon na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko magmukhang mabait at dalagang Pilipina man lang kahit paminsan-minsan.

Hah. Ano ka, Wattpad character na dapat kong katakutan? Hindi kita aatrasan. Trabaho ang ipinunta ko rito at hindi ikaw, Sir Rupert Matthew Masungit Arogante Feeling Pogi Manalili. 'Wag mo lang talaga maidikit-dikit ang kahit dulo ng daliri mo sa 'kin, pasusukahin talaga kita ng dugo. Dudurugin ko 'yang equipment mo sa gitna.

Let the game begin.

Ang Maid Kong ManyakOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz