Chapter 2.1

22.6K 540 15
                                    

Faith's POV

NANDITO NA 'KO sa tapat ng mansiyon ni Miss Clarisse Manalili. Inabot na 'ko ng dilim. Tumawag na kasi siya kaninang 2pm para bigyan ako ng instructions at ipaalala ang mga susing ipinadala niya sa 'kin noong isang araw via Xend. Susi raw iyon ng entrance at bawat kwarto ng main entrance. Naroon daw lahat. Pagkatapos ng ilan pang mga bilin ay pinutol niya na rin ang tawag. Pero bago iyon ay paulit-ulit niyang sinabi na "Sana kayanin mo ang trabaho." Medyo weird 'yon para sa 'kin pero hindi ko naman na ininda. Naroon ako para magtrabaho. Kahit anong mangyari, hindi ko susukuan 'yung trabahong may gano'n kalaking pasahod. Mahihiya ang trabaho sa muscles ko. Pero wala pala ako no'n. Charorot lang.

Hindi ko na siya tinawagan pa ulit pagkatapos niyon. Ayoko namang makulitan siya sa 'kin. Nagkasya na lang ako sa mga tinurong direction, kahit pa gusto kong sakalin 'yung driver ng taxi kanina na siningil ako ng P400+ matapos niya 'kong iikot-ikot sa La Trinidad. Akala ko pa naman alam niya kung saan ang mansiyon ng mga Manalili pero hindi naman pala. Kaasar. Nakipagtalo ako pero sa huli, napilitan pa rin akong bayaran siya. 'Di ako taga-Baguio. Baka maibalita na lang ako sa TV. Ayokong matagpuang tadtad ang sexy body at inaagnas na ang magandang mukha. Sayang ang Eskinol. Donation lang 'to ng author sa 'kin eh. Bigay daw sa kanya ng Tv5. Hehehe.

Nagtaka ako nang mapansin kong parang may bukas na ilaw sa mansiyon pero hindi na 'ko nag-isip ng negative. Baka naman kasi namamalik-mata na 'ko dahil sa pagod at gutom. Nagugutom na kasi ako pero hindi naman ako nakabili ng pagkain dahil inuna ko ang paghahanap sa lugar na pupuntahan ko. Isa pa, na-badtrip ako doon sa isang karendiryang pinagtanungan ko kanina. Puta. 100 pesos daw para sa isang takal ng kanin at isang maliit na platito ng menudo na mukha namang kapirasong laman na pinigaan lang ng napkin.

Ibinaba ko ang mga gamit ko at kinuha ang mga susi na pinagsama-sama sa isang mamahaling key holder. Shala 'no? Iba talaga ang mga mayayaman. May mga nalalaman pang ganito. Samantalang ako, inilalagay ko lang sa goma o sinulid 'yung susi eh.

Nang gamitin ko naman ang key na may label na "main gate" ay nagtaka ako dahil hindi naman pala naka-lock ang gate. Bakit kaya? Nand'yan kaya si Miss Clarisse? Eh wala naman siyang sinabing narito rin pala siya.

Oh no. Hindi kaya... Hindi kaya may nakapasok nang magnanakaw? Pero imposible. Mukha namang mayayaman ang nakatira sa lugar na iyon. Ang nakakapagtaka lang, bakit naman walang ibang tao? Seryoso? Isang malaking mansiyon, walang kahit sinong nagbabantay? 'Di naman 'to TV Series ah.

Napalunok ako. Kinuha ko kaagad ang mga gamit ko at pumasok sa gate ng mansiyon. Malawak pala talaga ang lupa na pagmamay-ari ni Miss Clarisse. At mukhang hindi naman napapabayaan ang lugar dahil parang alagang-alaga pa rin ang garden, although parang kulang na sa pagmamahal ang mismong mga halaman. May nakaparadang dalawang kotse sa garahe. Kanino kaya ang mga iyon? Ang gaganda? Ganito 'yung kotse na nakita ko sa Instagram ni Justin Beiber eh.'Di ba wala namang tao sa mansiyon na 'to? Siguro ay spare cars iyon ni Miss Clarisse, lalo pa't obvious naman na saksakan ito ng yaman.

Binuksan ko ang main door gamit ang isa sa mga susing dala ko. Madilim na sa loob. Halatang walang tao. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ang ilaw sa living room. Inilapag ko ang mga bag ko kasabay ng isang malakas na buntong-hininga.

Pero imbis na magpahinga kaagad ay hindi pa rin ako naupo. Tinitigan ko ang paligid. Lahat ng mga nakikita ko ay pulos mamahaling bagay. Pati 'yung mga vase, feeling ko mas mahal pa sa buhay ko. Kahit siguro magtrabaho ako sa loob ng tatlong dekada ay hindi ko pa rin 'yon mabibili. Mukhang malinis pa rin ang mga iyon. Mukha namang naaalagaan ang mansiyon. Bakit kaya kinuha pa 'ko ni Miss Clarisse?

Pumanhik ako sa second floor. Sobrang dilim na rin sa taas. Dahan-dahan akong naglakad para maiwasan ang pagkatisod, lalo na't saksakan pa naman ako ng clumsy kung minsan.

Hindi ko makapa kung saan ang switch ng ilaw sa hallway. Nagkasya na lang tuloy ako sa ilaw na nagmumula sa cellphone ko. Grabe. Nakakatakot din pala 'yung pakiramdam na alam mong ikaw lang mag-isa sa lugar na babantayan mo?

'Tsaka 'di ba may mga haunted house talaga sa Baguio?

Nanindig ang mga balahibo ko sa mga naisip ko. Diyos ko. 'Wag ko naman po sanang maranasan 'yung mga napapanood ko sa movies. Wala na ngang kwenta ang mga 'yon dahil paulit-ulit na lang ang concept eh. 'Yung mga direktor at producers na lang sana ng mga walang-kwentang pelikula ang multuhin. Please po. From the bottom of my small intestine.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang walang anu-ano'y bumukas ang pinto ng kwartong nilampasan ko. Bigla akong nanlamig. Oh no. May multo ba? Lord, lord. 'Wag po. Marami pa po 'kong pangarap sa buhay. Magiging model pa 'ko ng FHM. Bibida pa 'ko sa isang sexy film. Ayoko pang makita si Chucky, si Annabelle, o si Binay. Lord, pakiusap po.

Naiiyak man ako at naginginig na sa takot ay umikot pa rin ako para tingnan kung anong klaseng lamang-lupa ang kukuha sa ulirat ko nang mga oras na 'yon. Pero laking-gulat ko nang isang matangkad na bulto ng lalaki ang nakita ng mga mata ko. Kahit madilim ay alam kong totoong tao ang nakikita ko sa mga oras na 'yon.

Nagkagulatan kami at napatitig nang ilang segundo sa isa't isa bago kami sabay na napasigaw.

"MAGNANAKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Ang Maid Kong ManyakWhere stories live. Discover now