Chapter 1.3

26.2K 553 24
                                    

Faith's POV

"MISS, SA BUS 2309 KA BA? PAKIBILISAN! LALAKAD NA!" hiyaw ng kundoktor matapos niya 'kong makitang kumakaripas ng takbo palapit sa nakaparada pa ring bus.

"Ay, saglit lang manong! Taeng-tae?" hiyaw ko.

Tumakbo ako at mabilis na pumanhik sa bus na byaheng Baguio. Walanjo! Ang bigat-bigat pa naman ng bakcpack at handcarry ko. Late na 'ko ng ten minutes dahil hinanap ko pa ang ticket ko na pina-reserve ko one week ago. Nakalimutan ko kasi kung saan ko nailagay.

Hindi pa 'ko nakakaupo sa seat na ipina-reserve ko ay umandar na ang bus. Muntik na 'kong masubsob at nakatapak pa 'ko ng paa ng isang pasahero na napa-"aray!" at napatitig nang masama sa 'kin.

Holy cow.

"Sorry po," sabi ko na lang sa ale na para akong kakainin ng buhay sa sobrang sama ng titig sa 'kin. Jusko. Kung 'di ko lang talaga alam sa sarili kong nagkamali ako, gigiyerahin ko talaga 'to. Akala mo kagandahan eh. Mukha namang drum na piniit ipagsiksikan sa damit. 'Yung cleavage mukha namang alkansyang may maitim na gitna. Kainis!

May ilang lalaking pasahero na ang umagapay sa 'kin hanggang sa wakas ay makaupo na 'ko sa upuan ko na malapit na sa pinakadulo ng bus. 'Yung iba naman, dedma lang. 'Galing. Hindi man lang maging gentleman kahit minsan sa buhay nila.

Napabuntong-hininga ako nang sa wakas ay mailapat ko na ang likod at pwet ko sa upuan. May-edad na babae ang katabi ko at mukhang may sariling mundo kaya hindi na 'ko masyadong lumikot. Mahirap na. Baka mabungangaan na naman ako.

Nakakatuwa nga dahil mabilis lang ang byahe. Kunsabagay. Alas-quatro pa lang ng madaling-araw. Hindi pa gano'n karami ang nabyahe lalo na't hindi naman holiday. Hindi panahon ngayon ng pagbuhos ng mga turista.

Tiningnan ko ang phone ko. Nag-text sa 'kin 'yung mga kapatid ko.

Fionna: Ingat ka ate. Mami-miss ka namin.

Felicity: Mag-iingat ka ate. We love you. Wag ka mag-alala. Aalagaan namin si mama.

Napangiti ako kasabay ng paglamlam ng mga mata. Nakakalungkot. Hindi ako sanay na lumayo sa kanila pero kailangan. Sana maging maayos na si mama.

Itinago ko na ulit ang phone ko. Hindi na 'ko nag-reply dahil baka bumuhos na naman ang luha ko. Kanina pa kaming nag-dramang magkakapatid kasama si mama. Sobrang OA na 'kung maiiyak na naman ako. Hindi nga kasi 'to heavy drama. RomCom 'to. Pakisampal nga ng tsinelas 'yung author!

Hindi ko alam kung gaano katagal ang byahe mula Maynila hanggang Baguio. Pero matagal akong nakaupo. Ngawit na 'ko sa puwesto ko. Lumipas na nag pananghalian ay nasa byahe pa rin kami. Huminto lang kami sa ilang bus stop kanina. Hindi rin naman ako makakain at makatulog nang matagal dahil thirty minutes lang ang itinatagal ng bus namin sa bawat bus stop. Hanggang sa katagalan ay namalayan ko na lang na puro magagandang tanawin na ang nadadaanan ng mga mata ko. Shala.

Nang sipatin ko ang katabi ko ay nakatingin lang siya sa dinaraanan namin. Matanda na siya. Pero bakit siya lang kaya mag-isa? Kaya niya pang bumyahe nang mag-isa? Kunsabagay, mukha naman siyang malusog pa rin sa kabila ng katandaan.

Out of the blue, bigla kong naisip na tanungin siya.

"Excuse me po. Lola, nasa Baguio na po ba tayo?"

Bumaling sa 'kin ang matanda at ngumiti. "Oo, hija. Maya-maya paparada na tayo sa terminal."

Tumango-tango naman ako. "Ah, okay. Salamat po."

"Dayo ka rito?" usisa naman ni lola.

"Opo," nakangiti kong tugon. Mabait naman pala siya. Siguro kung kanina ko pa siya kinausap, hindi siguro ako na-bore sa tagal ng byahe. "Dito po ako sa Baguio magtatrabaho."

Nakangiti ang lola habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko naman maiwasang mailang. Hindi kasi ako sanay nang tinititigan nang gano'n.

"Sigurado akong dito mo sa Baguio makikita ang lalaking mapapangasawa mo," makahulugang sabi ni lola na ikinagulat ko.

"P-Po?"

"Oh nandito na tayo! Paunahin pong bumaba 'yung mga buntis at may dalang bata!" sigaw naman ng kundoktor.

Noon ko lang napansin na nasa harap na kami ng terminal ng Victory Liner . Nagsitayuan na ang mga tao. Pinauna ko na si lola dahil baka mapano pa siya. Ang nakakagulat lang, nang makababa ako ay hindi ko na siya nakita pa.

Napabuntong-hininga na lang ako. My goodness. Ito na 'yung start ng panibagong buhay ko. Good luck talaga sa 'kin.

May mga lumalapit sa 'kin para magtanong kung naghahanap ba 'ko ng transient house o hotel na matutuluyan pero umiling lang ako. Nakakatuwa nga kasi ang dami ring nagbebenta ng strawberry taho sa mga gilid-gilid. Gusto ko sanang tumikim kaso alam kong mahal ang mga paninda kasi tourist spot ang Baguio. Baka umiyak 'yung bulsa ko.

Nagsimula akong maglakad-lakad dala ang mabibigat kong bagahe. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ako sasakay. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Kitang-kita mo ang bundok na napapalibutan ng mga puno at halaman. Meron ding mga ilang bahagi ng mga bundok na tinitirikan ng mga bahay at establishments. Makikita mo rin sa atmosphere ang manipis na fog na nagpapalamig nang husto sa klima. Malinis din ang paligid at hindi kagaya sa Maynila o sa Cavite, 'di hamak na mas peaceful talaga ang lugar na 'to. Grabe, ang ganda pala talaga sa Baguio!

At ang ginaw. Jusko. Nagsimula na ang –Ber months kaya mas matindi ang lamig. Mabuti na lang at naka-jacket ako. Feeling ko, nasa ibang bansa na 'ko sa mga oras na 'to. Umuusok-usok na nga 'yung hininga ko eh. 'Lakas maka-Korea. Hahahaha, Kahit yata 'yung uhog ko, umuurong ulit dahil sa sobrang lamig.

Huminto ako at dinukot mula sa kanang bulsa ng jeans 'yung address na ibinigay sa 'kin ni Miss Clarisse. Ang sabi sa address, sa Manalili Mansion daw ako tumuloy. Malapit lang iyon sa Strawberry Farm ng La Trinidad.

Sinimulan ko ulit maglakad-lakad. Susubukan ko munang diskubrehin kung saan ang sakayan patungong La Trinidad gamit ang sarili kong senses. Ayokong magtanong. Pero 'di ba matalino raw ang mga nagtatanong? Totoo kaya? Sigurado kaya sila? Really?

Nang hindi ko malaman kung saan ang sakayan papuntang La Trinidad ay naisipan ko nang magtanong sa may-edad na lalaking nakaupo malapit sa gasolinahan. Pakingshet. Para akong tupang walang pastol sa gitna ng magulong mundo. At ang lamig-lamig pa. Baka mamaya, maging kulay-ginto na rin 'yung buhok ko at mapakanta na lang ako ng "Let it go... Let it goooooooo..." Echos.

"Manong, excuse me po. Saan po rito ang sakayan papuntang La Trinidad?" magalang kong tanong.

"Mag-taxi ka lang hija tapos sabihin mo sa driver kung saan ka niya ibababa," nakangiti namang tugon ni manong. Naks. Complete set of teeth. 'Lakas maka-Colgate commercial. Iminuwestra pa nito ang mga kamay. "Kahit saan diyan, may makikita kang taxi. Basta walang laman, pwede mong parahin."

Ngumiti ako at nagpasalamat. Pagkatapos ay tumalikod na 'ko para simulang lakarin ang daan pabalik sa highway. Nang makarating ako, mabilis nga akong nakakita ng dumaraan na mga taxi. Nang huminto sa harap ko ang pinara kong taxi ay sumakay na 'ko at sinabi ang destinasyon ko. Mukha namang alam ni manong driver 'yung sinasabi kong lugar dahil tumango siya at sinimulan nang i-drive ang sasakyan.

Nako. Sana naman maging okay ang buhay ko doon. Kahit ako lang mag-isa. May wi-fi kaya sila? Mahal kasi kung maga-unlisurf ako. Grabe pa naman ang mga telecommunications company dito sa bansa natin. Ginto ang internet. Nesfruta talaga.

At teka, malaki kaya ang magiging metro ng taxi fare ko?

Ang Maid Kong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon