Untitled Story Part

795 16 0
                                    

"No no no, I don't want that. Maybe this one? This looks nice. and that one! No no no not that design It's so common nowadays. How about this? This looks perfect for the bride and groom."

Maaga kaming nagising para sa pagsusukat sakin para sa wedding dress at para sa suit ni Stan. Yung Mommy ni Stan ang nangunguna at nakikipagusap sa wedding planner. Habang ako naman tingin ng tingin sa mga magazine, mga photo album na mga kinasal. Lahat ng bride masaya sa pictures nila, ako lang ata naiiba. Ako lang ata walang expression yung mukha sakanila.

"Kim." Tinawag ako ni Stan at sinenyasan ako na lumapit sakanya kaya nagexcuse muna ako sa wedding planner at sa Mom nya.

"Ano yun?"

"Tumatawag sila Heather, hinahanap nila tayo. Hindi nila alam na nandito tayo sa Canada, I think It's time for you to tell them about our wedding." Nagnod ako sakanya at kinuha yung laptop na hawak nya.

"Punta muna ako sa kwarto ha? Alam mo naman ang mga to maingay kausap." Ngumisi sya sakin sabay halik sa pisngi ko.

"Bababa din ako pagkatapos." Nagnod sya sakin kaya nagmadali na umakyat ng hagdan at naglock ng pinto. Dumeretso ako sa balkonahe at tinawagan sila Heather through skype.

"Hi bitch! Anong nangyari sayo wala kang paramdam after nung kabaliwan mo sa partey! Hahaha!" Tinatawanan na naman ako ng babaeng to. I wonder kung ano magiging reaksyon nito sa sasabihin ko.

"May sasabihin ako."

"You sounds serious, what's up?"

"Stan and I are getting married." Pinakita ko pa sakanya yung singsing na suot suot ko, nagprocess pa ata sa utak nya bago nya nagets yung sinabi ko.

1

2

3

Ting!

"OH MY GOSH!!! WHEN?! WHERE?! KAILAN SYA NAGPROPOSE SAYO?! BAKIT WALA KAMING ALAM?! WALANG SURPRISE NA NAGANAP?! BAKIT KAYO NAGPAPLANO NG HINDI NAMIN ALAM!"

See? Ganyan yan makapagreact, OA.

"Um well.."

"We have to plan your wedding!!!"

"It's already happening."

"What?!"

"Actually nandito kami sa Canada, sa parents nya and--"

"OMG! NAGPAPLANO KAYO NG KASAL NG HINDI KAMI KASAMA! OR KAHIT AKO MAN LANG? I'M YOUR BESTFRIEND! NAGLILIHIM KA SAKEN! HUHUHU."

She's sobbing. And yes, she's faking it.

"Ano dyan kayo ikakasal tayo palihim din? Huhuhu!"

"No, dyan kami ikakasal. Nandyan pamilya ko remember? Tsaka nandyan din kayo."

"OMG! So you guys are already talking about wedding dress, venues and such! Are you exci--"

Napatigil sya saglit ng makita nya kong nakasimangot.

"Ow-kay sa lahat ng bride ikaw ang mukhang namatayan sa lahat. What is it?"

I sighed.

"Ewan ko, parang hindi ako...masaya."

"Why? Is this about Josh?"

Humarap ako sa sakanya at tinginan palang namin alam na nya.

"Mygod Kim, you're getting married but you still keep thinking about him?"

Biglang may tumulong luha sakin.

"H-hindi ko alam, nahihirapan ako. Pakiramdam ko gusto kong tumakbo palayo dito."

Umiiyak na ko, hindi ko na mapigilan.

"Shh shh, stop crying you know that wouldn't solve anything. Kailan ang kasal nyo?"

"Next week."

"NEXT WEEK?! Bakit ang bilis naman?!"

"Why wait? Yan ang sabi nya pati ng pamilya nya."

"Oh no Kim, what's your plan? Kung hindi mo masabi kay Stan, ako magsasabi sakanya para sa--"

"No. Kaya ko naman e, naninibago lang siguro ako pero--"

"Kim ikakasal kana. Hindi nato usapang girlfriends at boyfriends, hindi na to highschool, and this ain't college too. This is a real thing! Marriage has vows, rings and I do's, what is your plan? You can't get married while you have feelings for Joshua. It is so unfair for Stan."

"Alam ko totohanan nato. At alam ko rin na mali pero ito na e, I can't back out now. Mahal ko naman si Stan, naging maayos kami nung nakaraang dalawang taon naging ganito lang naman ako nung hinalikan ako ni Josh kaya bumalik lahat. But I know, mawawala din to at masasanay rin akong si Stan ang hinahanap hanap ko at hindi si  Josh."

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon