Gotta Have Her (66)

232 4 0
                                    


Kimberly's POV

Pagdilat ko nasa kama na ko. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, nasa kwarto ko ako. Pero anong nangyari kagabi? Inalala ko yung nangyari kagabi at naalala kong nagdrama ako kay...Stan!!!

"AHHH!!!!"

Narinig kong tumatakbo paakyat sila Mama at Papa sa hagdan.

"Anak anong nagyari?!"

"Ma! Pa! Kayo magkwento anong nangyari kagabi?! Pano ko napunta dito?!"

Seryoso yung mukha ko pero yung mga magulang ko biglang nagtawanan.

"Eh?"

"Anak ang haba ng hair mo nagmana ka talaga sakin! Hahaha!" Patawa tawa pang sabi ni Mama.

"Papa?"

Si Papa hindi ko rin makausap ng maayos dahil nagtatawanan sila ni Mama.

"Mama! Papa!"

"Ay yes anak? Wala namang nangyari kagabi, hinatid kalang ng KA-IBIGAN mong si Stan. Napakabuting bata." Natatawa padin si Mama.

"Mama naman e hindi kayo makausap ng maayos. Pati ikaw Papa nakikitawa kadin e!"

"Wala naman talagang nangyari anak, hinatid kalang ng Prince Charming mo at nagmukha kang natutulog na Snow White." Nagapiran sila Mama at Papa sabay baba nila sa hagdan.

Ano daw??? Snow white? Prince Charming?

Bumangon agad ako pero naalala ko sabado pala ngayon. Bumagsak ulit ako sa kama, at inalala yung nangyari kagabi kaso epic, ang huling naaalala ko nasa dibdib ako ni Stan. Matigas, matigas na dibdib ni Stan yung naaalala ko, kung tama ako parang matitigas na tinapay din yung nakakapa ko sa bandang abs nya, naggigym kaya yun? Ang firm ng katawan nya, yun yung tanging naaalala ko sakan--NAKO KIM MANYAK MO!

Nagpagulong gulong ako sa Kama ng may narinig akong may nagbusina sa labas. Bumangon ako at dumungaw sa bintana ng makita ko yung motor ni Stan sa labas habang hawak nya yung helmet nya at kumaway sya sakin. Luh lord help me ang gwapooo I'm meltinggggg! Napa-walling ako habang nagtatago kay Stan. Anong ginagawa nya dito?

"Anak nandito si Prince Charming!" Nanlaki yung mata ko sa isinigaw ni Mama, malamang narinig ni Stan yun!

"MAMA!!!!"

Dumungaw ulit ako para makita reaksyon ni Stan at yun nga, tumatawa ang mokong. Argh! Nagbihis ako at lumabas ng gate.

"Oh S-stan anong ginagawa mo dito?"

"Stan nalang? Anong nangyari sa Prince Charming? Mas gusto ko yun eh hahaha!" Pinalo ko sya pero nahuli nya yung kamay ko at hinalikan yun na para akong prinsesa sa ginagawa nya.

"Good morning Snow White ko. Wag kanang iiyak ha? Pumapangit ka tamo may pimple ka sa ilong oh!"

SERYOSO?!

Tumingin agad ako sa side mirror ng motor nya at yun na nga. Bumulaga sakin ang pimple kong namumula sa pinakatuktok ng ilong ko.

"Wag ka magalala ang cute mo nga e, mukhang kang si rudolf! Hahahaha!"

Binatukan ko sya pero hindi naman malakas mayamaya nginitian nya ulit ako.

"Ba't ka ngapala naparito?"

"Ay oo ngapala, bihis kana punta tayo sa bahay nila Clyde birthday nya. Ikaw nalang kulang dun magtatampo daw sya pag di ako pumunta."

Huh?

"Edi pumunta ka, ba't dumaan kapa dito?"

"Sinusundo kita dahil pag di ka sumama, hindi narin ako pupunta." Sabay kindat nya sakin.

"Ugh. Halika na dun kana magantay sa loob maliligo lang ako." Ngiting abot tenga ang mokong na pinarada yung motor nya sa tapat namin at pinaupo ko sya sa sala.

--
Pagkatapos ko maligo at magayos may nagsisigawan sa baba at nakita ko si Papa at Stan na nanonood ng basketball.

"Ay, close na kayo Pa?" Tumawa si Stan sa sinabi ko sabay akbay nya sakin kahit nasa harapan namin si Papa.

"Huy patay ka kay Papa sa ginaga--"

"Osige na Stan ingatan mo yang prinsesa natin a? Tapos punta punta ka dito para manood tayo ulit."

Teka teka teka hindi ata ako updated? Palabas na kami ng pinto ng magmano naman ako kay Mama at Papa ng makita ko naman si Stan na nagmano din kay Mama at nagapiram naman sila ni Papa.

What the?

"Kailan pa kayo naging tropa tropa ni Pa--"

Hindi na natuloy yung sasabihin ko ng itulak na ko ni Stan palabas at sya ang nagsuot ng helmey sakin sabay sakay nya sa motor at angkas ko naman. Bago nya paandarin hinanap nya yung kamay ko at niyakap nya sa bewang nya yung mga kamay ko.

"Simula ngayon dyan kana hahawak okay?" Nginitian nya ko sabay pisil nya sa pisngi ko. Biglang uminit yung mukha ko pero buti nalang pinaandar na nya agad yung motor.

Lord help, yung abs nya nakakapa ko po!

--

Gotta Have HerWhere stories live. Discover now