Gotta Have Her (70)

715 15 0
                                    


Nilabas ko yung laptop ko, tablet at phone. Hahanapin ko si Joshua, 5 months ng nakalipas wala parin syang paramdam. Nagaalala na ko, kung ayaw na nya sakin fine! Pero sana naman sabihin nya, hindi yung ganito na hinayaan nya kong magisip ng kung ano ano.

Nagsimula ako sa facebook, pumunta ako sa profile nya at tiningnan yung fb ng Ate nya. Pumunta sa message at chinat ang Ate nya, wala naman akong ibang mapagtatanungan kundi sya nalang talaga. Hindi ko kilala mga friends nya sa ibang bansa, ano bang alam ko sakanya? Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong girlfriend.

"Hello po, may nangyari po ba kay Joshua? Limang buwan na po syang hindi nagpaparamdam sakin. Gusto ko lang pong malaman kung ok lang ba sya, kahit yun nalang po please. Hindi ko na kasi alam kung san ko sya hahanapin."

Message sent.

Ang hopeless hopeless ng message ko, wala na akong pakialam. Yung email din nya pinuntahan ko, wala naman syang recent activity. Kahit sa lahat ng account nya, para syang nawala ng parang bula. Sinubukan ko ulit syang tawagan kahit alam kong walang sasagot, pero nagbabakasakali padin ako.

Please Josh, wag ganito. Hindi ko alam gagawin ko e, you left me with nothing. Ano gusto mong isipin ko?

*Aragon calling..*

Nagvibrate yung phone ko na inakala ko namang si Josh na pero si Heather pala.

"Yes bitch?"

"Anong yes bitch? Nasaan kana? Mageenroll pa tayo  pumunta kana dito, hinahanap ka ng barkada."

Nakabihis naman na ako, sumilip lang ako sa accounts ni Josh.

"Oo na sige na papunta na ko."

"You mean maliligo kapa, magbibihis at magaayos kapa?"

Akala mo sya hindi ganun eh.

"Hindi nakabihis na ako, antay nyo nalang ako on the way na ko."

Pinatay ko yung phone at sinarado nadin yung laptop ko. *Sigh* Konti nalang Josh, susuko na ko.

I grabbed my bag at umalis na ng bahay. After 20mins, nakarating na ko ng campus. Nakita ko ang barkada na mga nakaupo sa bench at naghaharutan yung boys.

"She's here guys!" Sigaw ni Tonette at yakap naman sakin ni Heather. Ganyan sya, simula nung naging sila ni Jiro (Yep sila na) nagbago sya, bumait at naging mayakaping tao lalo na sakin.

"Tara na guys, enroll na tayo!"

Pumunta yung mga boys sa kanya kanya nilang mga girlfriends (Oo lahat sila magjojowa na. Kami nalang ata ni Stan hindi, ugh peer pressure)

"You ok?" Tanong sakin ni Stan.

"Hindi ko mahanap yung kakambal mo."

"He'll come around. Wag mo kasi hanapin, kaya ayaw magpakita sayo kasi hanap kanang hanap."

After nung happening sa birthday ni Clyde, naging ok naman kami ni Stan. Lumuwag na pakiramdam ko kasi wala na kong nililihim sakanya, at sya naman? He's still flirting with me. Pero syempre para sakin biruan nalang yun.

Pumunta kami sa Registrar at inasikaso yung pageenroll namin. Ang bilis 2nd year college na kami, malapit na kami magtapos pero hanggang ngayon wala parin akong plano para sa sarili ko. Oo maghahanap ng trabaho after matik na yun, pero kung GUSTO yung paguusapan wala eh. Siguro sana makita ko ulit si Josh kahit yun nalang.

Pagkatapos naming magenroll nagaya silang pumunta ng mall pero wala akong gana kaya sabi ko sila nalang.

"Ikaw Stan sama ka?"

"Nah, di ko rin trip pumunta ng mall. Kayo nalang"

Nagwave na silang lahat samin ni Stan at humiwalay na sila samin.

"Osha uwi na ko bye"

"Sama ko."

"Bawal."

"Bakit?"

"Ano namang gagawin mo sa bahay?"

"Ayoko pa kasing umuwi samin at ayoko namang pumunta ng mall kasama sila kasi hindi ka naman nandun. Sama nalang ako sainyo please?"

Nagpuppy eyes sya sakin at nginingitian ako na parang bata, may choice pa ba ko?

"Fine. Wag kang maloko dun ah, wala sila Mama nasa Cavite. Isang maling move mo lang, force evicted ka saken. Malinaw?"

"Yes!"

Sabay akbay naman nya sakin na nakasanayan ko na dahil bestfriend narin ang turing ko sakanya, dalawa sila ni Heather na bestfriend ko at syempre ang barkada na palagi ko ng kasama.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon